POL MONTIBON
Tiniyak ni Majority Leader At Leyte Rep. Martin Romualdez na matatapos na ang house re-organization sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Romualdez na sa ngayon ay marami pang mga komite ang hindi pa buo kaya hindi pa masimulan ang mga committee meetings.
Bagamat may mga committee chairmanships na ang karamihan sa mga komite, hindi pa rin kumpleto ang mga miyembro nito.
Inihayag naman ni house Speaker Alan Peter Cayetano naman na mailalagay sa mga proper committees ang lahat ng kongresista kaya mabusisi ang house re-organization.
Sa pagpasa ng 2020 budget proposal, balak ng senado na magkaroon ng simultaneous committee hearings para mahabol ang deadline sa buwan ng Oktubre.