PRESIDENTIAL Spokesperson Salvador Panelo
PUMALAG ang Malakanyang sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na bigo ang administrasyon sa kampanya kontra iligal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang pag-upo ni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee On Anti-Illegal Drugs (ICAD) ang itinuturing nitong failure.
Iginiit ni Panelo na walang basehan si VP Leni para sabihing failure ang administrasyon dahil taliwas ito sa naitalang achievements ng anti-drug war ng gobyerno.
Muling ibinida ni Panelo ang mga nakukumpiskang mga iligal na droga, naipasara na drug factories, pagsuko ng mga drug users at napatay na mga drug personalities dahil sa nanlaban sa operasyon.
Ani Panelo hindi lamang small time drug dealers ang napapatay sa kampanya dahil marami ding na-neutralize na high value targets.
Kaugnay naman sa rekomendasyon ni VP Leni na ilipat sa dangerous drugs board ang pagiging chair ng ICAD ay sinabi ni Panelo na dapat manggaling mismo sa mga miyembro ng inter-agency o sa mga eksperto ang panukala at hindi sa bise presidente dahil sila ang mas nakakaalam sa sitwasyon.