Ni: Neil Nepomuceno
IGINAWAD ng Sports Illustrated Magazine ang 2018 Boxing Trainer of the Year award kay Anatoly Lomachenko matapos ang pambihirang galing na ipinakita ng kanyang mga boxer na naging kampeon ngayong 2018.
Isa sa mga pangunahing fighter na kanyang tine-train ay ang kanyang anak, ang Ukrainian Boxing Superstar na si Vasyl Lomachenko na kamakailan lang ay nakasungkit ng dalawang panalo kontra kay Jorge Linares nitong Mayo at kay Jose Pedraza nitong kasalukuyang buwan para tanghaling Unified Lightweight World Champion ng World Boxing Association at World Boxing Organization.
Bukod kay Vasyl, panalo rin si Oleksandr Gvozdyk kontra kay Adonis Stevenson by way of Knockout para makuha ang World Boxing Council Light Heavyweight title.
Sa pag-asang makahanap ng mga panibagong kampeon, kasalukuyan ding namumuno si Lomachenko bilang trainer ng Ukrainian National Team. “He’s not trying to go into the public eye. But that man always has a strategy. That man always knows exactly what he wants. I believe that boxing for him is just, like, his life,” wika ni Egis Klimas, isang malapit na kaibigan ni Anatoliy.
Kilala si Anatoly Lomachenko sa kanyang kakaiba at modernong pamamaraan sa kanyang mga training.