Ni: Jao Gregorio
ITINANGHAL at binigyang pagpupugay ng illustrated sports ang team ng Golden State Warriors bilang Sportsperson of the Year.
Sa ika-animnaput limang selebrasyon ng taunang parangal ng sports illustrated ay napabilang ang Warriors sa unang tatlong team na naparangalan din ng nasabing award.
Unang nakuha ito ng US Men’s Olympic Hockey Team noong 1980 habang naigawad naman ito sa US Women’s Olympic Soccer Team noong 1999 at nito lang 2004 ay ibinigay naman ito sa Boston Red Sox.
Napili ang Golden State Warriors kasunod ng kanilang matagumpay na tatlong NBA championship sa loob ng apat na season.