Pinas News
SINALUBONG ng mga taga-Sta. Maria Bulacan ang kanilang weekend sa mga pakontest at sayang dala ng Palawan Pawnshop at Express Padala sa handog nilang variety show.
Napuno ang Sta. Maria covered court ng mga suki ng Palawan sa hangaring manalo ng papremyo at saksihan ang grand finals ng singing competition ng mga singers mula sa ibat-ibang lugar sa Bulacan.
Nagpatalbugan sa pagbirit ang mga contenders lalo na sa audience impact mula sa mga manonood.
Mayroon ding bigay todo sa singing character.
At ang iba, dinala sa patalbugan sa custome ang pagkanta.
Tatlo ang itinanghal na nanalo mula sa sampung finalists na nagwagi sa kani-kanilang mga lugar sa naganap na elimination round sa ilang mga munisipalidad sa buong probinsya ng Bulacan.
Nakisama naman sa kasiyahan sa Bulacan ang ilang mga celebrities kasabay ng pasasalamat sa pag-imbita sa kanila ng Palawan.
Present naman sa kasiyahan ang mga empleyado ng Palawan mula sa iba’t ibang branch sa Bulacan na pinangunahan ng kanilang CEO at president na si Sir Bobby Castro.
Umaasa naman ang management ng Palawan na sa variety show at singing contest na kanilang ginawa, ay naipaabot nila ang pasasalamat sa mga suki at tumatangkilik sa lahat ng kanilang serbisyo sa buong bansa.
At hindi lamang sa Bulacan magaganap ang Palawan variety show, may mga schedule din ito sa iba pang mga lugar sa Luzon!
Abangan ang Palawan variety show sa Pangasinan ngayong March 12-17, sa Baguio City ngayong March 19 to March 24, sa Zambales Bataan ngayong April 2 to April 7, sa Tarlac ngayong April 9 hanggang April 14, sa La Union sa April 16 hanggang April 21, sa Pampanga ngayong April 30 hanggang May 5, Nueva Ecija sa May 7 hangang May 12 at Ilocos Norte sa May 14 hanggang May 19.