Nagbigay babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Rice Cartel na papapanagutin ang mga ito sa batas sa kanilang pananabotahe sa ekonomiya.
Ni: Quincy Joel Cahilig
ANG pangalawang taon sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay binagabag ng pagtaas ng presyo ng bigas, na isa sa mga dahilan ng mabilis na akyat ng inflation rate sa bansa.
Nagsimulang tumaas ang wholesale at retail prices ng bigas sa merkado pagpasok ng 2018 nang magkaroon ng shortage ng murang bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa merkado, na, batay sa Philippine Statistics Authority, ay nakapagdulot ng nasa 4.5 porsyentong average ng pag-akyat ng presyo ng well-milled at regular milled na bigas, na naglalaro ngayon sa P44 at P40 kada kilo.
PRESYO NG BIGAS, TARGET PABABAIN NI DUTERTE
Sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, binitawan niya ang pangako at inilahad ang mga hakbang na kaniyang isusulong sa pagresolba sa problema ng mataas na presyo ng bigas.
“We are also working on long-term solutions. On top of this agenda to lower the price of rice. We need to switch from the current quota system in importing rice to a tariff system where rice can be imported more freely. This will give us additional resources for our farmers, reduce the price of rice by up to 7 pesos per kilo, and lower inflation significantly. I ask Congress to prioritize this crucial reform, which I have certified as urgent today.”
Ang pinagmamadaling reporma ng Pangulo ay ang rice tariffication bill o House Bill 4904 na mag-aamyenda sa Agricultural Tariffication Act of 1996 na nagsasaad na tanging ang National Food Authority (NFA) lamang ang may monopolya sa importasyon ng bigas. Kapag naisabatas na ang naturang panukala, tatanggalin na ang “prescribed import volume” at bubuksan sa mga pribadong negosyante ang pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.
Ayon kay Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia malaki ang magagawa ng rice tariffication bill sa pagbaba ng presyo ng bigas at inflation rate.
“To the extent that rice importation will be liberalized, the private sector will start importing. The more private sector imports, the supply of rice enlarges and therefore the price of rice goes down.”
Dagdag ni Pernia, kapag nabuksan na ang importasyon sa mga pribadong rice traders mas mapagtutuunan ng atensyon ng NFA ang pagsiguro sa buffer stocks ng bigas sa buong bansa upang mapanatili ang sapat na supply lalo na sa panahon ng kalamidad.
“Meanwhile, the revenue from the tariff on rice will be used to help the farmers increase their productivity,” dagdag ni Pernia.
Nguni’t para kay Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, imbis na mapababa ay baka mas tumaas pa ang presyo ng bigas sa bansa kapag natuloy ang plano ng gobyerno.
“Kasi open up, ibig sabihin lahat magpapasok. So yung volume hindi natin alam kung ilan ang papasok. Once na ganun ang mangyari, yung nagbebenta sa atin na countries, dahil may demand ang Pilipinas, itataas nila ang presyo,” paliwanag ni So.
Dagdag niya, mas dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagbibigay ayuda sa mga lokal na magsasaka upang mapataas pa ang kanilang produksyon.
Ayon sa isang ulat ng Food and Agriculture Organization ang production cost ng palay sa Pilipinas ay nasa P10-12 kada kilo, samantalang sa Vietnam ay nagkakahalaga lamang ng P6.50 kada kilo at P9 kada kilo naman sa Thailand at India.
BILANG NA ANG ARAW NG RICE CARTEL
Isa sa mga sinisisi sa pagkakaroon ng mataas na presyo ng bigas sa bansa ay ang operasyon ng rice cartel na nakapagdidikta sa bentahan at supply sa merkado. Ayon sa mga report, ang mga malalaking negosyante sa likod ng naturang cartel ay may kakayahang bumili at makapag imbak ng tone-toneladang mga bigas. At dahil hawak nila ang malaking bahagi ng supply, kaya nilang manipulahin ang kalakalan—pwede nilang i-hoard ang supply ng bigas upang magkaroon ng rice shortage na magbubunsod ng pagtaas ng presyo sa merkado. Kapag nangyari na ito, saka nila ilalabas ang mga stocks nila na maibebenta sa mas mataas na halaga.
Kaya naman nagbigay babala si Pangulong Duterte na ang rice cartel sa bansa ay tatanggalan ng maskara at papanagutin ang mga sa batas dahil sa pananabotahe sa pambansang ekonomiya.
“To help stabilize rice prices, we also need to address the issue of artificial rice shortage. I now ask all the rice hoarders, cartels and their protectors, you know that I know who you are: Stop messing with the people. I hate to… Power sometimes is not a good thing. But I hope I will not have to use it against you,” wika ni Pangulong Duterte sa kanyang 49-minutong SONA.
“Consider yourselves warned; mend your ways now or the full force of the State shall be brought to bear upon you. I am directing all intelligence agencies to unmask the perpetrators of this economic sabotage and our law enforcement agencies to bring them to justice,” dagdag na babala niya.
RICE SMUGGLER, NASAMPOLAN
Bilang pagpapakita ng pangil ng pamahalaan kontra sa pananabotahe ng cartel, ilang araw matapos ang SONA ay nasabat ng Bureau of Customs ang aabot sa 10,000 sako ng hinihinalang smuggled rice sa isang bodega sa Lungsod ng Calamba, Laguna. Tinatayang aabot ang halaga ng mga bigas na iligal na naipasok sa bansa ng P25 milyon.
Sa naturang operasyon ay aktwal na nasaksihan din ng otoridad ang pagre-repack sa sako-sakong imported rice mula Thailand, China, at Vietnam upang palabasin na locally-produced ang mga ito at ididispatsa sa mga lalawigan ng Oriental Mindoro, Nueva Ecija, Isabela, at Palawan bagay na ginagawa umano ng rice cartel.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña ang mga smuggled rice ay nakatakdang ilabas sa merkado kapag tumaas na ang presyo ng bigas.
“’Yung mga rice kapag hindi ni-release sa market, there will be an artificial shortage of rice in the market then the price goes up. ´ Yan ang tinatawag nila na price manipulation. And then saka nila ilalabas itong mga stock nila kapag nagtaas na ‘yung price ng bigas sa market,” wika ni Lapeña.
Ang smuggled rice ay inangkat ng Marcelo Rice Trading, na ayon sa NFA at sa Bureau of Customs ay walang import permit.
“The interested party is given 15 days to prove or show the source of the goods and the payment of duties and taxes. If they fail to do so, the goods will be seized and subjected to forfeiture proceedings,” wika ni Lapeña.
Marami ang umaasa na sa mga darating na panahon ay magagawa ng Pangulong Duterte na matagumpayan ang laban kontra cartel, gaya ng matagumpay na laban nito kontra drogan.