Pinas News
LUBOG pa rin sa baha ang halos pitumpung barangay sa Pampanga.
Aabot hanggang labing limang talampakan ang baha sa labing isang barangay sa Candaba.
Kaya’t napilitan ang mga residente na sumakay sa bangka.
Dahil sa pagbaha dulot ng Bagyong Ompong ay nasa ilalim ng state of calamity ang buong bayan ng Candaba.
Lubog din sa baha ang mga bayan ng Macabebe at Masantol.
Inaasahang huhupa ang baha sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.
Mamamahagi ng alternative learning modules ang Department of Education (DepEd) para sa mga estudyante.
Dahil suspendido ang klase sa mga paaralan sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, baha pa rin sa labimpitong barangay sa Calumpit, Bulacan.
Kabilang dito ang mga barangay ng Balungao, Bulusan, Calizon, Corazon, Frances, Gatbuca, Gugo, Iba O’Este.
Kabilang din ang Meyto, Mesulao, Panducot, Poblacion, San Jose, San Miguel, San Marcos, Sapang Bayan, Sta. Lucia, Sto, Niño at Sucol.
Nanatili pa rin ang mahigit isandaang pamilya sa mga evacuation center.
Habang suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Calumpit, Bulacan ngayong araw.