JENNIFER Lopez at Shakira
TJ BUMANLAG
NAGING mainit na usapan online dahil sa nakakabilib na Superbowl Performance ng pinagsanib pwersang latina power nina Jennifer Lopez at Shakira.
Inulan ng papuri sa internet ang tinaguriang “unbelievable energetic performance” nina Shakira at J-Lo sa halftime show sa superbowl 54 na ginanap sa Miami, Florida.
Pinatunayan ng dalawang singer-dancers ang kanilang walang kupas na galing matapos nitong yanigin ang stadium dahil sa kanilang vocals at elaborate dance routines.
Agad na nagtrending sa twitter ang pangalan ng dalawa at muli rin bumenta sa online streaming service ang studio records ng dalawa matapos ang kanilang pagtatanghal.
Tumatak sa mga manunuod ang naturang Superbowl Performance na sinimulan ni Shakira na inawit ang kaniyang hit songs gaya ng “Hips Don’t Lie” at “Empire” gayundin ang pole dancing performance ni Jennifer.
Sinabayan naman ng fireworks display ang pagtatapos ng performance ng dalawa.