MARGOT GONZALES
TULUYAN nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III para isulong ang same sex marriage sa Pilipinas.
Sa 109 na pahinang desisyon, tinuldukan ng Korte Suprema ang isyu ng same sex marriage sa bansa.
Iginiit ng kataas-taasang hukuman na walang makabuluhang argumento si Falcis sa kanyang apela para baliktarin ang naunang desisyon ng Korte Suprema na pagbasura sa kanyang petisyon noong Setyembre na kumukuwestiyon sa family code at pagsusulong ng same sex marriage sa Pilipinas.
Kasabay nito, pinatawan si Falcis ng guilty sa kasong indirect contempt of court at pinagmumulta ng P5,000.
Habang ang mga kasamahan naman nitong abogado ay kinastigo at pinagsabihan na lamang ng korte.
Binalaan din ng Korte Suprema ang mga petitioners na kapag inulit nila ang contemptous act sa loob ng korte ay mahaharap sila sa mas mabigat na parusa.