Supreme Court
Impeachment complaint ni Atty. Gadon kay CJ Sereno, may sapat na basehan ayon sa Kamara
Nakitaan ng sufficient in form and substance ng house committee ang isinampang impeachment case ni Atty. Larry Gadon laban kay Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno matapos itong makapag-presenta ng certified true copies ng mga dokumentong ibinigay ng Korte Suprema laban sa punong mahistrado.
Sa 37 pitong mambabatas na dumalo,30 dito ang bumoto pabor sa reklamo ni Atty. Gadon habang apat dito ang kumontra.
Nakasaad kasi sa rules of impeachment na makikitaan lamang sufficient in form ang reklamo kapag ang kaso ay base sa mga tunay na dokumento.
Sa kaso ni Gadon, ang Korte Suprema mismo ang nagpalabas ng mga dokumentong makapagpapatunay na nilabag ni Sereno ang batas dahil sa ilegal na pagtatayo nito ng bagong judiciary decentralized office at ang muling pagpapabukas sa regional court administration office sa Western Visayas, pati na rin ang pagtanggap ng travel allowance ng kanyang mga staff na parehong hindi dumaan sa Supreme Court en banc.
Samantala, nakitaan naman ng insufficient in form and substance ang inihaing kaso ni Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng Vanguard of the Philippine Constitution (VPC) ni Eligio Mallari, dahil sa ang ginamit na verification sa reklamo ay para sa mga reklamong inindorso ng one third of house members na dapat sana ay verification complaint ng isang pribadong indibidwal ang ginamit.
Ayon naman kay House justice chair Reynaldo Umali, bibigyan nila ng sampung araw ang kampo ni Sereno ang kasong complaint para maisagawa agad ang pagdinig na magdedetermina sa probable cause ng reklamo.
Nasa sampung araw naman ang ilalaan sa kamara para maresolba ang mga basehan ng impeachment complaint para ito maipasa sa senado para sa impeachment trial.
DOJ, planong humirit sa SC ng special courts na hahawak sa mga kaso vs Maute group
Sovereign rights at hindi teritoryo ng Pilipinas
Noong 2012, kinumpirma ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf (UNCLCS) ang Benham Rise bilang bahagi ng Philippines’ continental shelf. Sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang continental shelf ay binubuo ng seabed at subsoil, kung saan ang mahabang landas na ito ang nagsisilbing daan ng mga submarino ng bawat bansa kaya ang continental shelf ay pag-aari ng sangkatauhan, bagama’t may matuwid na pag-angkin ang Pilipinas sa mismong kalupaan ng Benham Rise.
May paglilinaw ukol dito si Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio, na mahalagang mabatid ng ating mga kababayan na ang Pilipinas ay may ‘sovereign rights’ sa malawak na Benham Rise subalit wala naman aniyang sovereignty ang ating bansa sa lugar na ito, bagay na hindi masyadong maunawaan ng ating mga kababayan.
Tanging ang mga eksperto lamang tulad ni Mahistrado Carpio ang higit na nakababatid sa kalagayan ng Benham Rise o Philippine Rise, para sa Pilipinas at sa mga mamamayan ng bansa.