Ni: Anna Paula A. Canua
MATAPOS ang matagal na panahon ng research at clinical trials, nagtagumpay sa kaunang-unahang pagkakataon ang pagsilang ng isang cloned-monkey, ito rin ang kaparehong siyensya na ginamit sa kauna-unahang clone sa buong mundo na si Dolly the sheep.
Sa inilabas na report ng journal na Cell, pinakilala sa kasaysayan ang unang hakbang sa cloning ng pinakamalapit sa lahi ng tao; ang unggoy.
Ang nasabing pag-aaral ay pinagunahan ng Chinese Academy of Science and postdoctoral. Pinanganak sa laboratoryo ang dalawang babaeng macaques na si Zhong Zhong at si Hua Hua. Nagmula sa salitang zhonghua ang kanilang pangalan na kumakatawan sa bansang China at lahing Insik.
Ang dalawang macaques ay may gulang na walong linggo at anim na araw, at genetically identical, ibig sabihin ay produkto sila ng iisang fetal monkey cell. Sa mada-ling salita, isipin na gumawa ng kapareho mo sa pamamagitan lamang ng pagkopya sa cells ng iyong katawan, nakakabilib hindi ba?
Palibhasa ay wala pa sa sapat na gulang nanatili sa incubator ang dalawang unggoy upang patuloy na mamonitor ang kanilang paghinga at temperatura ng katawan. Sa kabila nito malusog at nakakapaglaro na ang mga ito, tulad ng ibang batang unggoy na malikot at mapagmasid.
Ang matagumpay na clo-ning kay Zhong Zhong at Hua Hua ay nagbunga ng pag-asa sa larangan ng biomedical research, gayundin ang muling pagkabuhay ng isyu ng cloning, katwiran nila ito na ba ang simula ng clo-ning sa tao?
Maaari nga bang maging banta ang cloning?
Taong 1996, pinakilala sa buong mundo ang first cloned- mammal na si Dolly na isang tupa. Mula sa somatic cell nuclear transfer si Dolly. Hindi tulad ng embryo spitting na maari lamang magkaroon ng ilang kopya, sa pamamagitan ng somatic nuclear transfer maaring magkaroon ng ‘customizable genetic code’ depende sa pangangailangan at layunin ng pag-aaral.
Ang unang cloning sa tupa ang nagbukas ng pinto sa syensya na ipagpatuloy pa ang pagtuklas sa posibilidad ng cloning. Pinanganak sa laboratoryo ang mahigit sa 20 species, kabilang ang baka, kuneho at aso.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 22 taon, nagtagumpay ang syensya na makagawa ng cloned-monkey, bagay na kinabahala ng iba dahil ang unggoy at tao ay napapabilang sa lahi ng primates. Mula sa ating kaparehas na lahi nagkaroon ng matagumpay na cloning, napalapit ang syensya sa pagdiskubri ng human clones.
Paano nga ba ito nangyayari?
Tulad ng unggoy at tupa, bawat isang cells sa ating katawan ay mayroong nucleus na nagtataglay ng ‘genetic code’. Sa pamamagitan ng Somatic Cell transfer, maingat na kumukuha ng nucleus mula sa isang specie at inililipat ito sa egg cell.
Gamit ang kemikal, ide-develop ang egg cell bilang fertilized na itlog. Magtutuloy-tuloy ang obserbasyon at pananatili sa laboratoryo hanggang sa maging embryo ito. Sa puntong iyon kapag naging embryo na maari na itong i-implant ng mga scientist sa sinapupunan ng kaparehas na lahi, ang tawag naman sa prosesong ito ay ‘surrogate’. Mula roon dadaan sa stages ang embryo, magiging fetus at pagsapit ng ilang buwan ay isisilang na ang isang specie na mula sa ‘genetically identical ng nucleus donor’, ibig sabihin ito kopyang-kopya nito ang pisikal na aspeto ng pinagkuhaang cell.
Bakit matagal bago nagtagumpay sa potensyal ng cloning?
Ang buong proseso ay hindi kasing dali ng i-naakala. Dahil sa kabuuan, hindi lamang iisang cell ang kinakailangan. Iba –iba ang cells ng ating katawan, iba ang cells sa balat, muscles, internal organs at tissues. Kailangang matagumpay sa pagpares-pares at dumami ang kinopyang cells.
Kailangang ‘fine-tuned’ at masunod sa chemical protocols na kailangan ng cells. Sa katunayan umabot sa 79 na clinical trials ang China sa pag-clone ng unggoy.
Pag-asa sa Biomedical research
“For the cloning of primate species, including humans, the technical barrier is now broken,” pahayag ni Mu-Ming Poo co-author ng pag-aaral at director ng Center for Excellence in Brain Science and Intelligence Technology at the Chinese Academy of Sciences.
“However, the reason we chose to break this barrier is to produce animal models that are useful for human medicine. There’s no intention to apply this method to humans,” dagdag nito.
“There’s no reason to clone humans at this time, there must be international discussion on this issue,” pagtitiyak ni Poo
Mula sa cloning inaasahan na magbubukas nito ng pagdiskubri sa paglutas sa sakit gaya ng parkinson at HIV/Aids na hanggang ngayon ay wala pa ring lunas. Nakasaad din sa pag-aaral na layunin nito na palawakin pa ang pag-aral sa iba’t ibang brain conditions gaya ng Alzheimer’s disease at autism.
“I hope that societies in Western countries will rea-lize once we demonstrate the cloned monkeys’ usefulness in curing disease, they will gradually change their mind,” dagdag niya.
Pinagtunayan ng pag-aaral na maaring makontrol at palawakin pa ang genetic science, bunsod nito nagdadala ito ng posibilidad ng pagdiskubri pa sa mga sakit na genetic gaya ng brain diseases, immune at metabolic disorders.
“This will generate real models not just for genetically based brain diseases, but also cancer, immune or metabolic disorders, and allow us to test the efficacy of the drugs for these conditions before clinical use,” pahayag naman ni Dr Qiang Sun, director ng Suzhou Nonhuman Primate Research Facility at isa sa mga nanguna rin sa pag-aaral.
Cloning Technology
Kasabay ng pagpapalawak ng ating kaalaman, sana ay mapalawak din ang regulasyon tions at mas mapaigting ang pag-monitor at pag-ban sa hindi responsableng cloning technology lalo pa’t nakasalalay sa mga pag-aaral na ito ang buhay ng mga hayop.
Tulad ng nuclear power at artificial intelligence, ang cloning technology ay isang kapaki-pakinabang ngunit delikadong imbensyon. Sana ang tulong nito sa larangan ng medisina ay hindi sana ma-ging tangka sa hinaharap.