ADMAR VILANDO
PANIBAGONG 25 taon ang ipinagkaloob ng gobyerno sa Swara Sug Media Corporation.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas sa pagpapalawig ng prangkisa nito sa ilalim ng Republic Act. 11422
Ibig sabihin, patuloy ang operasyon ng radio at television frequencies sa boung Pilipinas.
Dagdag pa dito tuloy-tuloy din ang paghahatid ng mensahe ng kaliwanagan, serbisyo publiko at ang pagpapalaganap ng kabutihan sa larangan ng broadcast.
Ang Swara Sug Media Corporation ay may 17 AM radio stations sa boung Pilipinas, at Sonshine Media Network International.