Ni: Noli C. Liwanag
MAKIKITA ang husay ng mga atleta mula sa private colleges and universities sa buong bansa sa 2018 National PRISAA Sports Competition sa April 22-28 sa Tagbilaran Sports Complex sa Bohol.
Mahigit 5,000 atleta mula sa 500 private colleges and universities sa bansa ang maglalaban sa 18 sports.
Ang torneo ay tinatag noong 1953 para bigyan pagkakataon ang mga atleta sa private colleges and universities ipakita ang husay at galing sa sports.
Sa unang pagkakataon gagamit nang makabagong electronic scoring device sa weightlifting para makasabay sa ibang mga bansang gumamit nang state-of-the-art scoring equipment na binili sa Japan.
Kasama sa mga sport ay basketball, boxing, chess, lawn tennis, table tennis, wrestling, baseball, sepak takraw, softball, archery, at volleyball.