ADMAR VILANDO
PATAY ang liaison officer ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa engkuwentro sa pagitan ng 1st scout ranger battalion sa Barangay Tanum, Patikul, Sulu.
Kinilala ni Joint Task Force Sulu Commander Major Gen. Corleto Vinluan Jr. ang napatay na rebelde na si Talha Jumsah alyas Abu Talha na narekober ng militar walong daang metro mula sa encounter site.
Si Abu Talha ay isang high-value target ng AFP sa Sulu at siya ay ISIS-trained IED expert na nagsilbing instructor sa ASG sa paggawa ng mga mas nakamamatay at mapaminsalang IEDS na ginamit sa suicide bombings sa Sulu.
Nagsilbi rin siyang finance conduit at liaison sa pagitan ng foreign and local terrorist communication lines.