Pinas News
Sibak ang buong unit ng 402nd Cavite Maritime Police Station.
Ito ay matapos maaresto ng pnp Counter-Intelligence Task Force (CITF) sa entrapment operation ang kanilang kumander dahil sa umano’y pangongotong sa mga mangingisda sa Tanza, Cavite.
Kinilala ang hepe na si Police Superintendent Armandy Dimabuyo na nangingikil umano ₱19, 000 hanggang ₱21, 000 kada buwan sa asosasyon ng mga mangingisda
Sa entrapment operation, naaktuhang tumanggap ng ₱18, 000 si Dimabuyo sa mga mangingisda.
Sinabi ni PNP-CITF Chief Senior Superintendent Romeo Caramat na dinala na si Dimabuyo sa PNP-CITF Headquarters sa Camp Crame, Quezon City para sa proper disposition.
Inihahanda na rin aniya ang administrative at criminal charges laban sa pulis.
Papalitan ang mga sinibak ng mg special operation unit sa ilalim ng pamumuno ni Superintendent Gaylord Tamayo.