Ni: Louie C. Montemar
BILANG convenor ng isang grupong nakatuon sa mga karapatan at kagalingan ng mga konsyumer (ang grupong Bantay Konsyumer, Kuryente, Kalsada) ako ay naanyayahan kamakailan na maging bahagi ng isang bagong network ng mga kumukwestiyon sa bagong batas na kilala ngayon bilang TRAIN Law — ang batas sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion, o TRAIN.
Dahil sa damang-dama na ang biglang pagtaas ng iba’t ibang bilihin at madalas dahilan ang pagpataw ng mga bagong dagdag-buwis, nanawagan ang ilang grupo na magkaisa ang iba’t ibang sektor upang mabuo ang Stakeholders Oppose TRAIN o “StOp TRAIN”.
Maglalabas ng petisyon ang nasabing samahan. Ayon sa petisyon ng StOp TRAIN network na ito, una, walang korum ang Kongreso nang ipasa ang TRAIN Law noong Disyembre at kung gayon walang karapatan ang iilang kongresistang aprubahan ang isang batas na pabigat sa buhay o kabuhayan ng mayorya sa mamamayang Pilipino.
Ikalawang punto sa petisyon ang labis na pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin. Mismong mga namumuhunan din daw ay umaa-ngal dahil hindi naman nila basta na lamang maitataas ang mga presyo ng kanilang produkto o paninda. Lumiliit ang kanilang mga kita, halimbawa na lamang ang kaso ng mga maliliit na sari-sari store.
Ikatlo, sa kaso ng mga magsasakang kabilang ng STOP TRAIN, lalong tataas ang gastusin sa produksyong agrikultural sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na sangkap ng marami nilang gamit sa pagtatanim o pagsasaka. Malamang ang lalong pagkabaon sa utang ng mga magsasaka at manggagawang bukid.
Ikaapat at panghuli, sa ka-lakhan, sasaluhin siyempre ng mga mamimili at komyu-ter ang lahat ng mga pagtaas ng presyong ito na ito sa presyo. Pinakamahirap ito para sa mga pinakamahihirap na-ting mga kababayan.
Bunsod dito Dahil sa mga ito, hinihiling kay Pangulong Duterte na pigilan ang TRAIN at repasuhin ng kanyang mga kaalyadong mambabatas ang mga probisyong nito.
Panukala o mungkahi ng grupo ang sumusunod: Una, sa halip na excise tax at VAT na karga ng lahat maski na ng pinakamahirap, ang buwis na ipapataw ay iyong batay sa kapasidad ng taong magba-yad; ikalawa, imbis na dagdag buwis pati na sa mahihirap, ayusin dapat ang sistema ng pangungulekta sa buwis para hindi makalusot ang mga dapat na mabuwisan. Ika nga ng grupos sa Ingles: “Push for a tax system that is based on [sic] one’s capacity to pay! Plug the leaks in the government tax collection system.”
Sa dami ng mga usap-u-sapan hinggil sa TRAIN Law at kakulangan sa impormasyon ng marami tungkol dito, dapat seryosong harapin ng pamahalaan ang nasabing petisyon. Hindi maaring balewalain na lamang ang mga mamamayang nag-aalala para sa kanilang kabuhayan.