• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Kontrata, utang ng gobyerno sa China susuriin

April 15, 2019 by Pinas News

PANGULONG Rodrigo Duterte ipinag-utos ang pagsusuri sa lahat ng kontrata at utang ng gobyerno sa China at iba pang bansa.

 

Ni: Jonnalyn Cortez 

MARAMING kontrobersya ang inuugnay sa mga proyekto ng administrasyong Duterte. Nandiyan ang tinatawag na China debt-trap, pagdating ng mga manggagawang Chinese upang magtrabaho sa bansa, bilyun-bilyong utang, at marami pang iba.

Kaya upang alisin ang mga pagdududa, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuri sa lahat ng kontrata ng gobyerno, kabilang ang mga utang sa China, at alisin ang lahat ng makikitang may mabigat na probisyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sinabi ni Duterte na maaaring kanselahin ang mga kontrata at alisin ang ilang probisyon kung mapapatunayang makakaagrabyado sa bansa.

“The Chief Executive instructed all agencies to check and review all contracts entered into and remove onerous provisions that might be detrimental to the lives of the Filipinos,” sinabi ni Panelo sa isang pahayag.

Direktang iniutos ni Duterte kay Solicitor General Jose Calida, Department of Justice (DoJ), at lahat ng legal units ng ahensya ng gobyerno ang pagsasagawa ng pagsusuri.

“The President issued a directive that henceforth, he directed SolGen and Department of Justice to study all contracts entered into by the government to find out whether there are provisions that are onerous and against the interest of the Filipino people,” sabi ni Panelo. “And to do something about it, either to rescind or to cancel those contracts or to sue people who are behind those contracts which are unconstitutional.”

Una nang nagbabala si Senior Associate Justice Antonio Carpio ukol sa kontrobersyal na loan deals na ginagamit umano ang patrimonial assets ng bansa bilang collateral sa paggawa ng Kaliwa Dam Project at Chico River Irrigation Pump Project. Simula pa lamang umano ang dalawang proyektong ito ng mas marami pang “onerous agreements” sa China.

“The first two loans, Chico and Kaliwa, are just the beginning because this is a total of 12 to 24 billion dollars with several projects. So we have to be careful. We must remove these provisions that are disadvantageous to us,” wika ni Carpio.

SENIOR Associate Justice Antonio Carpio nagbabala ukol sa loan deals ng Pilipinas sa China na ginamit umano ang patrimonial assets ng bansa bilang collateral.

 

Concession agreements pag-aaralan

Ipinag-utos din umano ng pangulo ang pag-aaral ng concessionaire agreement ng Maynilad at Manila Water matapos ang nangyaring kawalan ng tubig noong Marso.

Nadismaya diumano ang presidente nang malamang hindi maaaring makialam ang gobyerno sa kontrata ng Maynilad.

 “He found out that during the Ramos administration, there was a contract between Maynilad and the Republic of the Philippines and in that contract, the government, the Republic of the Philippines, was prohibited from interfering, intruding into the terms of the contract,” paliwanag ni Panelo. “That’s why we lost in the arbitration tribunal and I think we were made to pay P3.5 billion because according to the ruling, the government intervened and by reason of the intervention, Maynilad suffered damages.”

Kailangang masusing pag-aralan ang bawat kontrata ng gobyerno sa mga pribadong korporasyon at bansa upang malaman kung mayroong onerous provisions na maglalagay sa lahat ng Pilipino sa alanganin at lalabag sa konstitusyon.

Agad namang bumuo ng grupo si Justice Secretary Menardo Guevarra na magsasagawa ng pag-aaral.

“We have organized teams to conduct this review but my office as attorney general will need a lot of help from the Office of the Solicitor General to perform and complete this task at the soonest possible time,” pahayag ni Guevarra.

Ilan sa kanilang susuriin ay ang concession agreements ng public utilities at foreign loan contracts.

“Priority contracts for review include concession agreements on public utilities and foreign loan contracts. Target provisions are those perceived to be onerous, one-sided, disadvantageous to the government, and or contrary to public order or public policy,” dagdag pa ni Guevarra.

Matapos ang pag-aaral, magsasagawa ng bagong negosasyon upang ayusin ang kontratang makikitang lumabag sa Kontitusyon. Kung hindi magiging matagumpay ang pag-uusap upang sundin ang ating batas, mapipilitan ang gobyerno na gumawa ng ligal na hakbang para kanselahin ang kontrata.

“Contracts are subject to the will of the parties, but any stipulation, term or condition that is contrary to law, morals, public order or public policy may be abrogated or terminated,” paliwanag ni Guevarra.

SENATOR Grace Poe at iba pang senador na miyembro ng oposisyon sinuportahan ang utos ng pangulo na suriin ang lahat ng kontrata at utang ng gobyerno.

 

Oposisyon suportado ang utos ni Duterte

Nagpakita ng suporta ang oposisyon sa utos ni Duterte na suriin ang lahat ng kontrata at utang ng gobyerno.

“I support the review,” wika ni Senate minority leader Franklin Drilon.

Umaasa naman si Senator Francis Pangilinan na hindi magbabago ang isip ng Pangulo sa kanyang desisyon.

“We will wait for the results of the orders but in the meantime, we should remain vigilant and ready at anytime to expose and oppose loan agreements whose conditions run contrary to our laws and the national interest,” pahayag ni Pangilinan.

Sinang-ayunan din ni Senator Francis Escudero ang desisyon ng pangulo dahil isa itong pambansang interes at magsisilbing babala sa mga tao o kumpanya na hindi tatanggapin ng bansa ang onerous contracts.

Pinasalamatan naman ni Senator Joel Villanueva si Duterte sa dala nitong magandang balita, ngunit ikinagulat na hindi isinaalang-alang ang mga kontrata na pabor para sa Pilipino.

“We really have to be conscious all the time, that as we enter into long term agreements, that the welfare of Filipinos, present and future, were considered,” wika ng director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sinabi ni Senator Grace Poe na tama lamang ang ginawang hakbang ng pangulo dahil sa mga nakitang “red flags” sa kontrata.

“Tama lang naman dahil kita naman ng lahat na maraming red flags. If found to be disadvantageous, we must renegotiate these contracts immediately or cancel those that are not for the best interest of the country,” pahayag ng Senadora.

Nirerespeto umano ni Poe ang mga kontrata ng gobyerno, ngunit anumang kasunduan na makapipinsala sa Pilipino ay hindi dapat maisagawa.

Maaari umanong simulan ang pag-aaral sa pamamagitan ng paglalabas ng buong loan agreement, kabilang na ang annexes at oras ng pagpupulong ng mga magsasagawa ng pagsusuri.

Dagdag pa ni Poe, wala dapat kinalaman sa paggawa ng kontrata ang magsasagawa ng pag-aaral. Kailangan ding managot ang gumawa ng kasunduan kung malamang salungat ito sa interes ng bansa.

“Ano ang gagawin sakaling mayroong hindi tama? Sana ay may pananagutan ang mga sangkot sa pagbuo ng mga kasunduan na iyan kung makita itong kontra sa interes ng bansa o ng batas natin,” pagtatapos ni Poe.

Pambansa Slider Ticker Department of Justice (DOJ) Jonnalyn Cortez Justice Secretary Menardo Guevarra Pangulong Rodrigo Duterte Presidential Spokesman Salvador Panelo Senator Francis Escudero Senator Joel Villanueva Solicitor General Jose Calida Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Gaano kasiguro ang employment situation sa Pinas?

November 26, 2018 by Pinas News

Babala ng mga eksperto, maraming mawawalan ng trabaho sa bansa kung hindi makakasabay ang ating mga manggagawa sa digitalization.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

MATINDI ang naging hamon ng inflation o ang bilis ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin at mga serbisyo sa bansa ngayong taon. Labis na sakit sa bulsa at paghigpit ng sinturon ang inabot ni Juan Dela Cruz sa kaliwa’t kanang pagsipa ng petrolyo, bigas, gulay, isda, at pamasahe, na dulot ng maraming aspeto tulad ng supply, presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, at mga bagyong nanalasa sa bansa. 

Mabuti na lamang at kahit papaano ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang mga presyo nitong nakalipas na mga araw, na bunga rin ng mga polisiyang pinatupad ng administrasyong Duterte. 

Isang bagay din na nakapagpapatawid sa mga Pinoy sa mga ganitong hamon ang pagkakaroon ng maraming option ng pagkakakitaan at trabaho sa bansa.

Mula noong 2010, naging stable ang employment numbers ng Pilipinas batay sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay Labor Undersecretary Renato Ebarle, kada taon ay may average na 2.1 porsyentong pagdami ng bilang ng employment sa bansa.

“The number of employed persons exhibited a generally increasing trend since 2010 though the year-on-year growth was erratic,” wika ni Ebarle.

Nakikita ng DOLE na lalago pa ang employment sa bansa sa mga susunod na taon, na resulta umano ng pagsusumikap ng administrasyong Duterte na makapagbalangkas at makapagpatupad ng mga polisiya at programang mag-aangat sa estado ng labor force.

“The government is on the right track when it comes to enabling policies, such as the ease-of-doing business, implementation of the Build, Build, Build projects, among others,” dagdag pa ni Ebarle.

Nagpahayag ng ganito ang DOLE matapos lumabas ang Third Quarter Social Weather Stations survey kung saan nakasaad na 22 porsyento o 9.8 milyong adult Filipinos ang walang trabaho.  Mas mataas ito sa 8.6 million o 18.7 porsyentong naitala nitong Hunyo.

BABALA ng mga eksperto, maraming mawawalan ng trabaho sa bansa kung hindi makakasabay ang ating mga manggagawa sa digitalization.

 

BUSINESS FRIENDLY PH

Naniniwala naman ang Malacañang na malaking tulong ang magagawa ng pagiging business friendly ng Pilipinas para sa mga nais na makapagtayo ng mga negosyo– Pinoy man o dayuhang negosyante. 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, halos walang tigil ang pagsusumikap ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa paghahanap ng mga paraan para pababain ang unemployment rate sa bansa. At isa sa mga mahahalagang polisiya na kaniyang ipinatupad ang Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business Act na naglalayong pabilisin ang processing time ng pagkuha ng business permit, construction permit, pagpapakabit ng linya ng kuryente at property registration.

Nakasaad sa RA 11032 na hindi dapat lumampas sa tatlong araw ang pagproseso ng mga simple business transactions, pitong araw naman para sa mga “more substantial transactions,” at 20 araw naman sa mga “highly technical transactions”.

Layunin din ng naturang batas, na nag-amyenda sa Anti-Red Tape Act of 2007, na burahin ang katiwalian sa lahat ng government agencies sa pamamagitan ng Zero-contact policy upang mas maging kanais-nais ang pagnenegosyo sa Pinas.

Dagdag ni Panelo na patuloy na isusulong din ng pamahalaan ang skills training para sa mga kabataan sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na ngayon ay pinamumunuan na ni Director-General Isidro Lapeña.

Aniya, “By improving industry-relevant competencies of our youth, especially unutilized, unemployed, and underemployed school dropouts, and increase their opportunities for work experience through skills training,” wika ni Panelo.

SLOW AUTOMATION BANTA SA EMPLOYMENT SECURITY

Sa kabila nito, nagbabala ang ilang eksperto na kailangang pabilisin na ng bansa ang pag-shift sa automation at paghikayat sa mga negosyante na mag-invest sa artificial intelligence (AI) at ang skills upgrade ng mga manggagawa.

Ayon kay Asian Institute of Management senior data scientist Christian Alis, kung hindi ito maisasagawa sa lalong madaling panahon, nasa 900,000 na trabaho ang maaaring mawala, lalo na sa industriya ng Business Processing na isa sa may pinakamalaking ambag sa ekonomiya.

Aniya, medyo napag-iiwanan na kasi ang Pilipinas pagdating sa data science at digitalization kumpara sa ibang mga bansa.

“We’ve been able to talk to different companies in the region and one of the things they told us is we have fewer data infrastructure and fewer data scientists, and that this could lead to lost opportunities and lower competitiveness,”  wika ni Alis.

Aniya, hinahanap ngayon ng mga kumpanya ang mga empleyadong may kakayahan sa data analysis at AI-enabled jobs, na sa ngayon ay hindi pa gaanong marami ang may taglay.

“Employers are now looking for a different skill-set. If we cannot provide that, they might look for those people in other countries,” babala ni Alis.

Ayon naman kay Depender Kumar ng accounting and consultancy company na Grant Thornton, kaya mabagal din ang automation sa bansa dahil nahihirapan ang ilang negosyanteng Pinoy na makasabay sa pagbabago ng teknolohiya.

“Your workforce is changing, your technology is changing, so it is slightly difficult to digest change. They could be doing this business for 30 years, 40 years, and suddenly the technology has come and asking them to change is really difficult,” he said.

Kailangang umanong matugunan ang naturang hamon sa pamamagitan ng pagsasanib-pwersa ng gobyerno at mga industry experts para maiangat ang applied science courses sa bansa, upang maihanda ang mga kabataan para sa pagbabagong ito ng industriya.

Pambansa Slider Ticker artificial intelligence (AI) Asian Institute of Management senior data scientist Christian Alis Department of Labor and Employment (DOLE) Ease of Doing Business Act Isidro Lapeña Labor Undersecretary Renato Ebarle Pangulong Rodrigo R. Duterte PINAS Presidential Spokesman Salvador Panelo Quincy Joel Cahilig Republic Act No. 11032 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Bagong buhay sa kabila ng tokhang

October 9, 2018 by Pinas News

Aabot sa 1.3 milyon ang bilang ng mga drug surrenderees sa buong bansa sa ilalim ng Oplan Tokhang ng PNP. 

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

KAPAG naririnig ang salitang “tokhang”, agad may negatibong konotasyon dito ang mga Pilipino dahil sa pagkakaugnay ng terminong ito sa madugong kampanya kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) libo-libo na ang napaslang batay sa mga mga report, bagay na patuloy namang itinatanggi ng gobyerno. Nguni’t inaamin naman ng otoridad na may mga napapaslang na suspek dahil sila’y nanlaban.

Wala naman talagang masama sa terminong tokhang na hango sa salitang Cebuano na “toktok-hangyo” na ang ibig sabihin ay katok at pakiusap, na siyang ginagawa ng pulisya sa kanilang operasyon: Kakatukin nila ang bahay ng suspected drug dealer o drug addict at hihikayatin itong sumuko at ihinto ang kanilang gawaing mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

Batay sa numero ng PNP, nasa 1.3 milyong drug users na ang sumuko sa pamahalaan mula Hulyo 1, 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Kaalinsabay ng paghikayat sa mga sangkot sa droga na sumuko ay ang pagtulong sa kanila ng PNP na maituwid ang kanilang landas sa pamamagitan ng rehabilitasyon sa ilalim ng programang Life After Tokhang o LIFT, sa pakikipagtulungan ng non-government organization na Life Rispondé Foundation Corporation, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH).

Rehabilitasyon ng mga sumuko  

Kamakailan iniulat ng DOH na umabot na ng 8,662 ang bilang ng mga grumaduate sa mga rehabilitation facilities ng ahensya.

“We have 8,662 who have successfully graduated from the various (treatment and rehabilitation centers). Right now, our in-patients from 2016 to 2018 total about 8,826 and the aftercare beneficiaries total about 5,450,” saad ni Health Secretary Francisco Duque III sa isang media briefing sa Malacañang.

Sa unang tingin, ang naturang numero ay tila maliit kung ikukumpara sa kabuuang bilang ng mga sumukong drug users.

Paliwanag ni Duque, sa 1.3 million drug surrenderees, nasa .6 hanggang 1 porsyento ang nangangailangan ng in-patient treatment. Nasa 2 hanggang 10 porsyento ang nangangailangan ng outpatient treatment, samantalang ang 90 porsyento ay puwede nang matulungan sa pamamagitan ng community-based interventions.

“Iyong sinabi ko kanina na 8,000, ito iyong mga nag-graduate. Ito iyong mga nanirahan sa ating mga DATRCs (Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Centers). Pero karamihan sa kanila, the biggest portion, really are being managed on an outpatient and also community based interventions being provided to them,” aniya.

Sa kasalukuyan ay nasa 53 ang DOH-licensed DATRCs sa bansa na kinabibilangan ng residential at outpatient facilities. Inaasahang madadagdagan pa ang bilang na ito dahil naglaan ng malaking pondo ang gobyerno para sa pagpapatayo ng karagdagang mga rehab centers.

“And as a measure to augment the current number of DATRCs in the country, 11 constructions in different regions are still underway, and where three of those are expected to be completed and operational before 2018 ends. All the other DATRCs are expected to be completed by the last quarter of 2019,” sabi ni Duque.

Patuloy ang pagbibigay ng livelihood training ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga indibidwal na sumailalim sa drug rehab upang matulungan silang makabangon muli.

 

Kabuhayan para sa mga surrenderees 

Naniniwala ang alkalde ng Cainta na si Keith Nieto na di lamang rehabilitasyon ang dapat na ibigay ng pamahalaan sa mga sumukong drug users kundi maging ang  pag-alalay sa kanila na muling makapanumbalik sa lipunan.

“Pag nakalabas siya ng maayos, six months after, mayroon siyang chance na maging empleyado ng munisipyo dahil ang pakiramdam ko, kapag nanggaling ka sa treatment center ay munisipyo lang naman o gobyerno ang unang pwedeng tumanggap sa’yo sa lipunan, to integrate yourself and be a productive person dito sa lipunan natin,” wika ni Nieto sa isang panayam ng SMNI News.

Isa si Jake (hindi tunay na pangalan) sa 100 drug surrenderees na natulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Cainta. Laking pasasalamat niya sa panibagong pagkakataon na ibinigay sa kanya at mga kasamahan sa rehab upang maitama ang kanyang pagkakamali sa buhay.

“Lahat nung gustong magpa-rehab noon dinadala namin sa Bicutan lahat yun. Tinutulungan sila pagkatapos may trabaho na sila ngayon at nasa WMO nagtatrabaho, yung iba pinapasok ni mayor sa mga dating kliyente nya sa pagkaabogado para magkaroon ng magandang buhay pagkatapos ng rehabilitasyon,” wika niya.

Ganito rin ang ginawang pagtulong ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa 2,000 drug surrenderees sa lungsod, na kanilang binigyan ng skills and livelihood training sa pakikipagtulungan ng Quezon City Skills and Livelihood Foundation, Inc. at ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“We do not judge you because of your past. We’re here to help you get back on your feet, that’s why we have provided you with these simple, short courses that you will really find useful in starting your own livelihood,” wika ni Vice Mayor Joy Belmonte sa graduation ceremonies ng programa kamakailan.

Nasa 300 na indibidwal ang sumailalim sa nasabing programa, na kinabibilangan ng mga kursong decor-making, candy-making, soap-making, meat processing, at bread-making. Maliban dito, pinagkalooban din ang mga drug surrenderees ng certificates at starter kits na ayon sa kursong kanilang kinuha upang makapagsimula ng maliit na negosyo, na isang hakbang sa kanilang muling pagbangon sa buhay.

Laking pasasalamat din ni Reynaldo Bulatao, 43, ng Malasiqui, Pangasinan sa Oplan Tokhang sa pagkakasagip nito sa kanya sa pagkakalulong sa iligal na droga sa loob ng halos apat na taon.

Nagsimula siyang gumamit ng droga noong 2014 nang matanggal siya sa pinapasukan niya noong ship construction company sa Subic. Doon din nagsimulang unti-unting gumuho ang kaniyang buhay.

“Tumitikim- tikim ako sa party kasama ang tropa. Masakit pero nangyari kasi hiniwalayan ako ng asawa ko at ang mga anak ko nawala ang tiwala nila sa ama nila, nagalit sila sa akin lalo nang lumabas na ang listahan ng Tokhang at kasama ako doon,” aniya.

Kaya nang naglunsad ng community-based rehabilitation program ang pamahalaan ay minabuti niyang magpalista.

Sa ilalim ng programa ay sumailalim siya sa serye ng counseling na pinangunahan ng Malasiqui Association of Pastors in Action, regular monitoring ng barangay officials at ng pulisya, gayon din ang livelihood training mula sa TESDA.

“Andoon kasi yong programa ng gobyerno natin under President Duterte, doon ko naramdaman na kapag nasa puso ang pagbabago, gaganda ang buhay mo,” sabi ni Bulatao. “Maganda ang epekto sa akin ng Tokhang kasi bumalik sa akin ang pamilya ko. Bumalik ang tiwala nila sa akin.”

Pambansa Slider Ticker Bicutan Cainta Health Secretary Francisco Duque III Keith Nieto Malacañang Malasiqui Pangasinan Oplan Tokhang Pangulong Rodrigo R. Duterte Philippine National Police (PNP) PINAS Quezon City Reynaldo Bulatao SMNI News Subic Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Vice Mayor Joy Belmonte

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.