By: Wally Peralta
SI Julie Anne San Jose na nga ba ang bagong ginu-groom ng GMA-7 para sumunod sa yapak ni Regine Velasquez-Alcasid sa Kapuso Network? Sa bagong show ng GMA 7 na ‘Studio 7’ ay pinangungunahan ito ni Julie Anne at kasama pa ang 4 na finalist ng ‘The clash’ kung saan ang host nang nasabing singing contest ay si Regine.
Kung matatandaan noong presscon ng ‘The Clash’ ay nasabi ng host na si Regine na magkakaroon na ng bagong musical show ang GMA-7 at makakasama ang mananalo sa nasabing kompetisyon. At dahilan si Regine ang nagsabi ay marami tuloy ang nag-akalang siya ang magiging lead star ng new musical show ng Kapuso Network na Studio 7. Pero nagkaroon ng twist at wala na sa listahan si Regine, pasok na si Julie Anne San Jose.
“Naku po, hindi naman!” bungad ni Julie Anne
Ngayon kumpirmado na ang pag oober da bakod ni Regine Velasquez sa Dos kung saan naglikha ng samut saring usapin o palaisipan kung aalis nga ba si Regine sa Siete. Dagdag pa dito ay ang pagdalo ni Regine ng Star Magic Ball ng ABS CBN 2 kamakailan at ang maugong na balitang nagpaalam na si Regine sa kanyang mga big boss sa Kapuso Network noon pa man Enero ngayong taon.
“Wala naman po kasing sinasabi si Regine noon sa gagawin noyang paglipat. Nababalitaan ko na lang na lilipat nga po siya.’
“Wala rin naman akong karapatan magsalita para sa kanyang desisyon,” sabi ni Julie Anne.
“At kung sakali man totoo po ito ay ginagalang ko ang desisyon niya pero nakakalungkot naman kasi hindi ko na siya makikita madalas.”
“At kahit saan pa po siya mapuntang istasyon ay lagi ko pa rin siyang susuportahan dahilan sa bata pa lang ako ay idol na idol ko na po siya,” ani ni Julie Anne.
Insecure
Isa pa ring tsika kay Julie Anne ay ang diumanong pagka insecure niya sa winner ng The Clash na si Golden Canedo. Bukod sa mas bata ito kaysa sa kanya ay agad-agad din itong nabigyan ng malaking break nang isama sa Studio 7 samantalang si Julie Anne ay natagalan pa muna bago pa man isama o gawing regular sa isang musical variety show sa Siete. Maging pagdating sa biritan ay tila hindi pakakabog si Golden kay Julie Anne.
“Wala pong ganun! Tulad po ni Golden ay galing din ako sa singing contest kaya alam ko ang feeling ng isang talunan at winner sa competition. Andito kami para suportahan si Golden at bigyan ng moral support sa pag-uumpisa niya sa kanyang showbiz career.”
“Hindi lang naman kay Golden kami susuporta maging sa lahat ng kanyang mga co-finalist. Minsan nagguest ako sa The Clash at napahanga nga ako sa galing nilang kumanta. Lahat sila magagaling!”
Over exposed
Kapuna-puna rin na nagiging paborito siya ng Kapuso Network. At tila tugma nga sa tsikang siya na nga ang ipapalit sa trono ni Regine sa GMA-7 dahilan sa halos sa dalawang musical variety show ng Siete ay si Julie Anne ang isa sa main host. Sa umaga, tuwing Linggo ay nasa Sunday Pinasaya si Julie Anne at pagdating naman ng gabi ay sabak naman siya sa The Clash. Kayanin kaya ng katawan niya ang dalawang musical show every week? Maging biktima kaya siya ng tinatawag na over exposure?
“Ha ha ha ha. Suwerte lang po at maraming trabaho!” sabi ni Julie Anne.
“Magkaiba naman po kasi ang gagawin ko sa Sunday Pinasaya at sa Studio 7 kahit pareho silang musical show. Sa SP kasi mostly mga big stars ang kasama ko samantalang sa The Clash, karamihan mga baguhan sa musical show tulad nina Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Mikee Quintos, Kaye Valdez at ang kambal na sina Mavey at Cassy Legaspi.”
“Kaya naman po ng powers ko. Mas more on tapings kasi kami sa The Clash at live naman every Sunday yung SP.”
Missing lovelife
Kamakailan lamang ay nagdiwang sina Julie Anne at boypren niyang si Benjamin Alves ng kanilang anniversary. Open na ang isa’t isa sa kanilang relasyon. Ngayon na bisi-bisihan ang byuti ni Julie Anne may time pa ba siya sa kanyang personal na buhay?
“Meron naman po. Open naman ang aming komunikasyon. At pag wala naman po kaming masyadong trabaho ay nagkakasama rin kami.”
Any plans of getting married soon? naitanong sa kanya.
“Ay wala pa po!” ang pagtatapos ni Julie Anne San Jose.