HANNAH JANE SANCHO
NAGSISINUNGALING ang mga iniharap na testigo kaugnay sa isinampang human trafficking at immigration fraud cases laban sa tatlong administrator ng the Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles.
Ito ay ayon Atty. Michael Jay Green ang Chief legal counsel ng The Kingdom of Jesus Christ sa isang pahayag.
Ani Atty. Green, may mga ebidensiya at testigo silang hawak na magpapatunay na kasinungalingan ang mga impormasyon na sinabi ng mga umaakusa sa tatlong KJC administrators sa Federal Bureau of Investigation.
Dagdag din ni Atty. Green, ang mga testigong ito ay mga dating kasamahan din na umalis sa simbahan.
Ipinunto din ni Atty. Green na nais lang ipakita ng mga umaakusa sa mga KJC administrators ang isang ilusyon na dinadala ng simbahan sa Estados Unidos ang mga church workers sa pangakong bibigyan sila ng career sa music pero pipiliting pagtatrabahuin bilang mga alipin na nanghihingi ng pera.
Binigyan diin ni Atty. Green na itong mga dating church workers ay alam na mula’t sa simula pa walang ibang layunin ang KJC kundi ang tumulong sa mga nangangailangan sa buong mundo pero nang makarating sila sa Amerika ay biglang aakusahan ang KJC na nanloloko lamang.
Una nang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng the Kingdom of Jesus Christ na haharapin ng KJC ang lahat ng legal accusation sa korte at papatunayang na mali ang mga ipinupukol laban sa kaniya at sa mga myembro nito.