One for all, All for one. Ang ‘Triad’ ay isang ‘transnational criminal organization’ na nakabase sa Hong Kong, Taiwan at Singapore. May apat na malaking grupo ang triads ang nagoopera sa kasalukuyan—ang Wo Hop To, Wo Shing Wo, Sun Yee On, at ang 14K (Sap Sie Kie). Ang Sun Yee On lamang ay may tinatayang 55,000 miyembro sa Hong Kong, China at iba pang panig ng mundo.
Ni: Debra B. Ruma
Kamakailan lamang nasadlak sa matinding kontrobersiya ang Bureau of Customs matapos lumusot umano ang pag-angkat ng ipinagbabawal na gamot. Hindi ito basta-basta at pipitsuging kontrabandong lumusot, kundi kilo-kilong shabu na umaabot sa $125.4-million o P6.4-billion, ang halaga na lumusot sa customs papasok ng ating bansa.
Marahil matatanggap pa ng madla na sabihing nalusutan ang customs ng ilang bag o pakete ng shabu o bawal na kontrabando na maaaring isiksik sa ilang gamit na pinapasok. Pero hindi na biro ang malusutan ng 5 wooden crates na naglalaman ng 604 kilos ng shabu. Iisa ang konklusyon ng mga madlang sumusubaybay sa kontrobersyang ito. May sindikatong namamalakad nito, na may kaugnayan sa ilang tiwaling kawani ng customs.
Makapangyarihan at maimpluwensiya ang mga sindikatong nasa likod nito. Batid naman ng nakararami ang lalim ng ugat ng operasyon, na maging ang senado, ay hindi magawang mapiga ang mga hinahangad nilang kasagutan hinggil sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot. Bagaman may mga napangalanang personalidad sa nasabing senate hearing, walang malinaw na impormasyon kung sino ang utak ng nasabing operasyon.
Bago pa man nasangkot ang ilang pangalan ng mga kawani ng customs, mga ‘point man’ at ilang Chinese nationals dito sa Pilipinas, pumutok ng taong 2016 ang pagkakaharang sa Australia ng tinatayang 900 milyong Australian dollars na halaga ng bawal na droga papasok mula China na nakatago sa mga gel pads ng mga push-up bra at art supplies.
Ang hari umano ng kalakalan ng droga sa Asya ay nabibilang sa organisasyong Chinese Triad, mas kilala bilang ‘The Triad’.
Ang ‘triad’ ay isang ‘transnational criminal organization’ na nakalungga sa tatlong ‘stratetic Asian base’, ang Hong Kong, Taiwan at Singapore. May apat (4) na malaking grupo ng nasabing triads ang nag-oopera sa kasalukuyan—ang Wo Hop To, Wo Shing Wo, Sun Yee On, at ang 14K (Sap Sie Kie).
Ang grupong Wo Hop To ay Hong-Kong based subalit ang kanilang impluwensiya ay umaabot maski hanggang Hilagang Amerika. Ang Wo Shing Wo ay Hong-Kong based din, subalit ito ay nagsimula sa Chinatown ng Toronto, Canada. Ito ang pinaka-matandang triad group sa kasalukuyan na nabuo noon pang 1930.
Ang Sun Yee On naman ang may pinaka-maraming miyembro, na tinatayang nasa 55,000 sa iba’t ibang panig ng mundo, subalit karamihan sa kanila ay naka-base sa Hong Kong at China. Ang 14K Triad naman ay base rin sa Hong Kong, at sila ang may ikalawang malaking bilang ng miyembro na tinatayang nasa 25,000 na nahahati sa tinatayang 30 ‘subgroups.’
Ilan pa ito sa dapat ninyong malaman hinggil sa mga triads.
Ang ‘Triad’ ay isang ‘transnational criminal organization’ na nakalunnga sa tatlong ‘stratetic Asian base,’ ang Hong Kong, Taiwan at Singapore. May apat (4) na malaking grupo ang nasabing triads ang nag-oopera sa kasalukuyan—ang Wo Hop To, Wo Shing Wo, Sun Yee On, at ang 14K (Sap Sie Kie).
Halos lahat na ata ng krimen o aktibidad ng isang sindikato ay pinasok na ng mga triads, maliban lang sa paggawa ng mga nuclear missiles. Kilala rin sa ‘notoriety’ ang grupong ito sa ‘human trafficking’. Sa katunayan, ayon sa US government, tinatayang nasa 100,000 tao na ang naipupuslit ng triads papasok ng Estados Unidos—karamihan dito ay nagtatrabaho para sa triad bilang pagtanaw ng ‘utang na loob’ sa pakakapasok nila sa bansang tinaguriang ‘land of opportunities’.
Notorious din ang mga triads pagdating sa tinatawag na ‘gang rivalry’. Hindi nawawala sa mga grupo ang pagpaslang sa mga karibal na lider lalung-lalo na kung nagkaka-agawan na ng teritoryo para sa kanilang mga ilegal na aktibidad. Tulad ni Mouse Shing, opisyal ng triad group na Wo Shing Wo, ay pinagtataga hanggang sa mamatay sa harap ng isang ospital.
Si Lee Tai Lulng, lider ng Sun Yee On ay pinatay noong 2009 ‘di umano ng karibal na triad sa labas ng Kowloon Shangri-La Hotel. Ang napabalitang Golden Dragon Massacre noong 1977, ang isa sa mga balitang nagpatanyag sa mga triads. Isang grupo ng mga triad-gang, ang The Joe Boys, sumalakay sa grupo ng Wah Ching at Hop Sing gang. 5 ang napatay at labing isa naman ang sugatan, kabilang na ang dalawang nadamay na turista. Nangyari ito sa Estados Unidos.
Ang triad naman na Sun Yee On, ay napabalitang namumuhunan din sa mga pelikualng gawa sa Hong Kong, bilang mga producers. Kung kaya naman madalas iniidolo sa mga pelikulang ‘gangster inspired’ ang mga miyembro ng mga triads.
Sinasabing hindi basta-basta ang pagsali sa anuman sa 4 na triads na kilala sa Asya. Ayon sa mananaliksik na si Mike La Sorte, matinding ‘character investigation’ ang daraanan ng isang aplikante, mula sa mga miyembro nito, upang masiguro na naiiwasan ang ‘infiltration’ sa kanilang grupo, ng mga kalaban o ng kapulisan. Kapag nakapasa sa paunang proseso, ang magiging miyembro ay dadaan naman sa isang ritwal.
Gagawin ito sa harap ng isang altar na pinauusukan ng insenso at magsasakripisyo ng isang ‘domestic animal’ tulad ng isang manok o kambing. Matapos inumin ang isang ‘potion’ na halo ng isang alak at dugo ng sinakripisyong hayop, daraan ang kandidato sa mga arko ng mga espada habang binibigkas ang isang panunumpa ng katapatan sa kaniyang triad group. Tapos susunugin ang isang papel na naglalaman ng panunumpa sa altar habang itinataas ang tatlong daliri ng kaliwang kamay sa kalangitan bilang paghihiwatig ng katapatan at pagsunod sa alituntunin ng sinalihang triad.