Ni: Ana Paula A. Canua
MATAGAL na nating kultura ang Political dynasties, bagay na nakasanayan na lang dahil tuwing eleksyon paulit-ulit na lang na apelyido ang batayan sa pagkaluklok sa posisyon.
Sa isang pag-aaral na pinangunahan ni Ateneo School of Government Dean Dr. Ronald Mendoza at UP Political Science Department Prof. Dr. Amado Mendoza Jr., sinuri ang pangmatagalang epekto ng pamumuno ng political clans sa bawat probinsya.
Kamakailan lamang naimbitahan sila sa senado upang pangunahan ang pagsusuri sa inihahaing anti-dynasty law.
Sa pag-aaral sinalarawan ang uri ng political dynasty na tinatawag na ‘Fat Dynasty’ at “Thin Dynasty’
Paliwanag ni Mendoza, “Fat Political Dynasties have more than two family members occupying government offices, while Thin Political Dynasties are content with having members succeed each other in office”.
Ang Thin Dynasty ay ang karaniwang politika na ating kinamulatan, halimbawa pagkatapos ng tatay na mayor papalit naman ang anak niya pagkatapos niya sa termino, hanggang sa maging pasalin-salin na ang pamumuno sa kanilang pamilya.
Ang Fat Dynasty naman ay karaniwan sa malalayong probinsya na magkakasabay na nakaupo sa magkaibang posisyon na nagmula lamang sa iisang pamilya.
Lumabas sa pag-aaral na ang Fat Dynasties ay nagpapalala ng kahirapan sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
“The average effect of political clan leadership in the country is that while there is a Fat Political clan, poverty deepens,” pahayag ni Mendoza sa Senate hearing sa anti-dynasty bill.
“We are slowly becoming a less democratic overtime, particularly in the poorest areas of the country and if we don’t stop this, democracy will slowly die,” dagdag niya.
Nalilimitahan kasi ang kalayaan ng mga botante dahil sa limitadong politiko na tumatakbo tuwing eleksyon. Bagay na nakakabahala kung magpapatuloy dahil habang sila ay parami nang parami sa pamamahala, pahirap ng pahirap naman ang kanilang nasasakupan.
“Seventy percent of go-vernors in 2007 were dynastic. It is now 81 percent in 2016. For congressmen, 75 percent in 2007 were dynastic. By 2016, almost 78 percent of congressmen are dynastic,
“Among mayors, 58 percent were dynastic in 2007. By 2016, a mere nine years later, almost 70 percent of them are dynastic.”
Kumpara rin sa Thin Dynasties, mas malala at mas makasarili ang fat dynasties dahil mayroong 20 political position na sabay-sabay na inookupa sa iisang probinsya.
Ilan sa mga probinsyang laganap ang Fat Dynasties ay ang Ilocos Sur, Bulacan, Batangas, Lanao del Sur, Lanao del Norte at Maguindanao.
“According to our data, the worst features are those with [fat dynasties]. It’s there that you can find the Ampatuan massacre, the kickbacks in road projects, black holes in terms of mis-sing [internal revenue allotments], poverty,” pahayag ni Mendoza.
“There are no checks and balance. Even if you are wrong, the public would have a very hard time to get you out of office. You are scaring your opponents, you are the richest there, or you control all the mayors. ”
“So, it is not a competitive environment anymore. If you have an election there, you’re just going through the motions, but it’s no longer democratic.”
Thin vs. Fat dynasty
Sa pag-aaral makikita ang ‘destructive patterns’ na e-pekto ng Fat Dynasties, hindi naman kinakitaan ng lubos na mapanirang epekto ang Thin Dynasties sa kabuuan ng pamumuno.
“It is clear in the data that dynasties can be found in poor areas while Fat Dynasties are in the poorest areas. I would consider allowing succeeding each other. In our evidence and data, the main failure does not lie with them. It’s with the Fat Dynasties or those who run and win at the same time.”
Mas yumayaman ang pamilyang politiko
Dahil iisang pamilya ang nakaluklok sa gobyerno mas yumayaman ang mga ito dahil sa korapsyon ng kanilang pamilya habang mas nagdurusa naman ang kanilang constituents. Giit ng awtor ng pag-aaral, normal lang ang pag-asenso ng mga politiko ngunit dapat ikabahala kung sila lamang ang umuunlad sa pamayanan.
“There is nothing wrong with becoming more wealthy. We need more wealthy people in our economy to drive the country to greater prosperity. What is wrong with this kind of prosperity is if you’re the only one becoming prosperous and the rest are impoverished.”
Ginawa pa nilang halimbawa ang political clan na Ecleos na pinamumunuan ang Dinagat Islands na tinagurian na isa sa pinakamahirap sa buong Pilipinas
Ang Ecleos ay may pagmamay-ari na “White Castle” sa tuktok ng bundok kung saan tanaw mula sa kanilang kastilyo ang naghihikahos na mga mangingisda.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bagong pinuno
Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng mga kabataan bilang bagong pinuno.
Alin man sa dalawang dynasty ay naghihikayat lamang ng ‘inclusive democracy’ dahil walang alternatibong pinuno na maaring piliin.
“Nakasalalay sa kanila ang ating kinabukasan. Ang hope po natin ay makakapili tayo sa pinakamahuhusay at pinakamatitino sa ating mga kabataan.”
Kung may lakas ng loob at sapat na budget lamang ang bagong mga politiko na mayroong bagong hangad sa kanilang komunidad, mas mahihikayat ang malayang pagboto ng mamamayan. Kung hindi lamang iisang apelyido ang maluluklok magkakaroon ng mas transparent at mas mapapatupad ang mas magagandang polisiya sa komunidad.
Dapat ding mabatid ng mga botante ang pangmatagalang epekto ng political dynasty. Hindi lamang sa mga bagong tumatakbo nakasalalay ang kaunlaran at pagbabago kundi sa kaalaman din ng mga botante.