Ni: Paula A. Canua
ITINUTURONG dahil sa hilig sa hilaw na isda kaya kinailangang ma-ospital ang isang lalaki mula sa California.
Ayon sa kwento ni Dr. Kenny Banh, isang emergency physician sa Community Regional Medical Center sa California, isang lalaki ang nagpa-admit sa emergency room dahil ‘diarrhea’, nagduda naman agad and mga doktor kaya noong sinusuri na ay umamin din ang pasyente na dahil ito sa mga bulate sa kanyang tyan.
Isiniwalat ng doktor ang kwento sa pamamagitan ng US show na “This Won’t Hurt a Bit”, kung saan pinapakita ang mga kakaibang health concerns ng mga pasyente.
Ayon kay Banh, pinakita ng pasyente ang isang toilet paper roll kung saan nakabalot ang napakahabang tapeworm.
Sa pagsusuri napag-alaman na isang helminth worm ito at may haba na 5.5 feet. Sumailalim naman sa pill treatment ang pasyente para tuluyang maalis ang lahat ng tapeworms sa kanyang tyan.
Pag-amin ng pasyente, halos araw-araw siyang kumakain ng hilaw na salmon sushi. Nangako naman siya na hindi na muli kakain ng hilaw na salmon simula ngayon at magiging sensitibo na sa pagpili ng pagkain.