HINDI maiiwasan ang pagkataranta sa pagpapabilis ng iyong workload sa trabaho.
Ni: Crysalie Ann Montalbo
SA mundo ng trabaho, masasabing iba’t-iba ang antas ng pagod at stress na ibinibigay ng workload at masasabing kinakailangan talagang pagpaplanuhan mabuti ang mga gawain upang maisagawa nang maayos at mabawasan ang mga suliraning haharapin.
Paano nga ba mapapabilis ang workload sa iyong opisina lalo na kung ikaw ay nag-iisang office staff?
Una, tukuyin ang mga bagay na nagiging sanhi ng iyong burnout. Hindi ito maiiwasan subalit mas kagandahan pa rin na ito ay mabawasan upang mas makapag-focus sa iyong gawain.
Huwag maging madamot sa sarili. Napabilis mo nga ang iyong workload ngunit ikaw naman ay maghapong nakaupo o nakatutok sa iyong kompyuter, hindi rin magiging maganda ang outcome ng iyong gawain sapagkat hindi ka nakakapagpahinga. Malaking tulong na ang 10 hanggang 15 minuto na pagmumuni-muni bago umpisahan uli ang mga nakaatang na gawain.
Maging maunawain sa sitwasyon at tanggapin ang mga bagay na kahit anong pagmamadali sa mga gawain, hindi pa rin sa lahat ng pagkakataon ay mairaraos mo ito. Sa pagkakataong ito, mahalaga ang pag-prioritize ng mg gawain. Ihiwalay ang mga nangunguna at malaking gawain na dapat agad ipasa at mag-focus dito nang sa gayon ay hindi malito.
Maging praktikal at dapat na suriing mabuti ang mga maaaring mangyari habang pinapabilis mo ang iyong workload sa trabaho. Mahirap man ito sa umpisa, matutunan din ang tamang pagharap sa mga gawain at ang pagbuo ng maayos na schedule ng mga gawain sa araw-araw.