Ni: Ana Paula A. Canua
Tinawag na Origami Robots ang napakaliit na robots na ito na may kakayahang tupiin ang sarili upang maging kahugis ng kapsula. Matapos maging kapsula maari na itong lunukin ng pasyente, kontrolado pa rin naman ng mga doktor at engineer ang magiging galaw nito sa loob ng katawan ng tao, sa ngayon nasa prototype stage na ang nasabing robot at pinakilala na sa industriya ng medisina at syensya, naglalayon ang proyekto na makalikom ng suporta at tulong upang mapagtagumpayan pa ang imbensyon.
ORIGAMI-BOTS
Ang Origami-inspired bots ay nadeveloped mula sa Massachusetts Institute of Technology’s Computer Science and Artificial Intelligence Laboratory (CSAIL). Nakaprogram ang origami-bots upang maglagay ng patch sa sugat, mag-alis ng mga maliit na bagay sa loob ng tyan at kumuha ng samples sa loob ng ating katawan.
Sa video simulation na inilbas ng mga researchers sa University of Sheffield, at Tokyo Institute of Technology, kayang ilabas ng Origami-bots ang dime sa loob ng tyan ng isang tao gayundin ang magtapal sa sugat.
Matapos lunukin ng pasyente ang origami-bots, papadaluyin ang origami-bots sa pamamagitan ng external magnetic field upang makapunta ito sa eksaktong bahagi ng tyan, mula sa pagkakatupi nito iuunfold nito ang sarili na halos maging kasinliit ng papel. Malaking simula ito para palawakin pa ang imbensyon na maaring makatulong sa sakuna at giyera lalo pa’t malaking bahagdan ng mga namamatay ay mula sa impeksyon.
Umani naman ng interes at paghanga ang nasabing imbensyon mula sa iba’t ibang organisasyon na dumalo sa International Conference on Robotics and Automation na naganap sa New York.
“It’s really exciting to see our small origami robots doing something with potential important applications to health care, For applications inside the body, we need a small, controllable, untethered robot system. It’s really difficult to control and place a robot inside the body if the robot is attached to a tether.”Pahayag ng propesor na si Daniela Rus mula sa MIT’s Department ng Electrical Engineering and Computer Science.
Paano ito nangyayari?
Ang Origami-bots ay pinalamig sa icepill ito ang dahilan kung bakit ito nanatili bilang capsule-size. Pagkalunok,kokontrolin ng external magnetic field ang origami-bots upang makapunta sa eksaktong lugar. Ang init mula sa loob ng katawan ang magiging dahilan para matunaw ang yelo, iuunffold nito ang sarili. Sa simulation ng prototype na imbensyon sinabi ng mga researchers na kontrolado pa rin ng mga doktor at engineer ang buong proseso. Sa liit at nipis ng origami-bots na may size lamang na two centimeters kaya nitong kumapit upang labanan ang daloy ng fluids at hindi masira mula sa asido ng tyan.
“The challenge is finding bio compatible materials that are easy to be controlled and amenable to the types of operations that are needed from the robot,” pahayag ni Dr. Rus.
Noong nakarang taon, naglabas ng halos kaparehong imbensyon ang ang CSAIL ngunit hindi tulad ng origami-bots ngayon kaya na nitong malunok at magsagawa ng internal surgery and procedures
“One year later, the robot is not yet human-ready. We’re still in the process of asking for vivo testing,” dagdag ni Rus. “Typically, getting in vivo experiments done and getting approvals takes three years. Going from animals to humans might be another three years. There could be a minimum of six years to have a successful treatment for humans.”
Dagdag din ni Rus, “To think about these procedures without cutting the body is extraordinarily exciting.”
“Given the state of MRI machines and the ability to look inside the body, using this way of working from the inside is an interesting topic,” pakli ni Rus. “Just think about where we were with medicine 25 years ago—who knows what the tools will be like in 20 years’ time.”
Hindi man sa ngayon kapag natupad sa hinaharap ang paggamit ng origami robots magbubukas ito ng nakaparaming posibilidad sa medisina at syensya.
“This concept is both highly creative and highly practical, and it addresses a clinical need in an elegant way,” pahayag naman ni Bradley Nelson, propesor ng robotics sa Swiss Federal Institute of Technology Zurich. “It is one of the most convincing applications of origami robots that I have seen.”
Papalitan ba nito ang mga doktors sa hinaharap?
Ang nasa likod ng pagpapagana ng origami-bots ay mga doktor pa rin, sa halip pinapadali nito ang proseso dahil hindi na kailangan pang buksan ang katawan ng tao, napapabilis ang proseso ng operasyon at tests kung mababawasan ang pagbubukas at tahi sa pasyente.
Maraming sakit na rin ang maaring mabigyan ng mabilis na lunas dahil sa kakayahan ng Origami-bots na pumasok sa sistema ng ating katawan upang kumuha ng samples. Ito rin ay patient-friendy bilang solusyon sa takot sa operasyon at treatment procedures.