HUMANAP ng mga tunay na kaibigan na makakasama mo sa matagal na panahon.
Madalas nag-iiba ang pa-kikitungo sa atin ng ating mga kaibigan, mapalad kung ito ay nagbabago para sa mas maganda at buong sama-han ngunit mayroon din na nagiging mahirap pakisamahan na kinalaunan ay nagdudulot ng masamang epekto sa ating pag-uugali at pananaw sa buhay. Narito ang mga senyales ng toxic friendship.
- Hindi balanseng pakikitungo o yung pakiramdam na nasasawalang bahala ka kapag binabahagi mo ang iyong mga problema o hinaing mula sa maliit hanggang sa malalaking bagay.
- Pagkakaroon ng inggit at kompetisyon. Ang mabu-ting kaibigan ay mayroong magandang hangarin na suportahan at gabayan tayo sa ating mga pangarap at pagharap ng hamon sa ating buhay, ngunit kapag nagpapakita ng senyales ng inggit at kompetisyon dapat pag-isipan kung mabuti pa ba ang inyong pagkakaibigan o kailangan mo nang magtakda ng distansya.
- Ang mabuting pagkakaibigan ay nagsisilbing pahingahan mo kapag maingay at magulo na ang iyong mundo, ngunit kapag lumalala na ang stress o lungkot na kanilang binibigay, tanungin na ang sarili kung ito ba ang nakakabuti sa iyo.
- Panghuli, ang mabu-ting kaibigan ay inilalabas ang kabutihan at kagalingan ng ating pag-uugali at pag-iisip.
Habang tumatagal dapat ay nagiging mabuti at maunawain ka at posible lamang itong mangyari kung napapaligiran ka rin ng mabubuting impluwensya. Maari mong subukan na baguhin ang mga taong ito na sinusubok ang kabutihan mo ngunit maari rin na layuan sila at pumili ng mas karapat-dapat na pagtuunan ng atensyon at magandang pakikitungo.