Pinas News
HINDI lamang sikat na mga traditional fruit smoothies na iniinom ng marami ang nakatutulong upang magkaroon ng malusog na pangangatawan.
Tampok na rin ngayon ang tinatawag na green smoothies na gawa mula sa mga green leafy vegetables depende sa inyong pansala.
Maaari itong haluan ng prutas gaya ng saging, mansanas, peras, abokado, o mangga dahil nagpapa-enhance ito sa buong flavor at texture.
Narito ang mga benepisyong makukuha sa pag-inom ng green smoothies tuwing umaga.
Una, makatutulong ito upang mapaigi ang linaw ng kaisipan at pokus. Puno ng antioxidants at carotenoids ang green leafy vegetables na nagpapalakas sa brainpower, at nakatutulong rin sa pagprotekta sa isipan. Mayaman ito sa Vitamin B na napatunayang nagpapalinaw sa memorya, pokus at ang kabuuang health at function ng kaisipan. Mayaman sa folic acid, na nagpapaigi sa linaw ng kaisipan.
Dahil mayaman sa fiber, tinutulungan din nito ang digestion at ang kabuuang metabolic function para sa kalusugan ng colon at pinananatili nito ang tamang pagkilos ng bituka. Nilalabanan rin ng green smoothies ang constipation.
Makatutulong ang pag-inom ng green smoothies para labanan ang depresyon dahil mayaman sa folic acid ang green veggies na isang natural anti-depressant. Pinapataas nito ang lebel ng serotonin na nagreresulta sa magandang mode.
Mabisa rin ito sa pagpapababa ng timbang. Mayaman sa nutrisyon at mababa sa calories. Taglay nito ang vitamins, minerals, healthy carbohydrates, fiber at low fat whole food na kailangan ng katawan upang bumilis ang paggaan ng timbang sa ligtas at epektibong pamamaraan.
Nagpapaganda rin ito ng kutis ng balat dahil sa mataas na fiber at inaalis nito ang mga toxins sa tamang paraan. Matatagpuan sa green leafy vegetable ang vitamin E kasama ng Vitamin C upang mapanatiling malusog ang balat habang tumatanda.
Mabisa rin itong panlaban sa dehydration. Ito ay napakahusay na paraan upang matiyak na makuha ninyo ang lebel ng tubig na kinakailangan ng inyong katawan. Dagdagan lamang ng kunting tubig ang inyong smoothies at parang umiinom din kayo ng maraming tubig na hindi ninyo napapansin.