Pinas News
TATLO katao ang kumpirmadong patay habang 100 katao ang sugatan nang madiskaril ang tren sa motorway sa Washington, USA.
Apat sa mga nasugatan ang nasa kritikal na kondisyon.
Nadiskaril ang Amtrak Passenger Train sa labas ng Tacoma sa isang bagong ruta sa DuPont sa kasagsagan ng rush hour kaninang umaga.
Pitong sasakyan ang napinsala sa pagkadiskaril ng tren na ikinasugat ng ilang motorista at kanilang pasahero.
Lulan ng tren ang 77 pasahero at 7 crew member.
Ito ang unang pagkakataon na nadiskaril ang Amtrak Train sa bago at maiksing ruta.