Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng iba’t-ibang Japanese companies na dumalo sa isang pagpupulong sa Imperial Hotel sa Tokyo, Japan. PRESIDENTIAL PHOTO/ ROBINSON NIÑAL
Ni: Quincy Joel V. Cahilig
KUNG mayroon mang mga balakid sa tuloy-tuloy na progreso ng bansa, ito ay ang problema ng korapsyon sa gobyerno.
Ayon sa report ng Global Financial Integrity, kada taon ay aabot sa P357 bilyon ang nalulugi sa kaban ng bayan dahil sa korapsyon. Napakalaking halaga nito na sana ay nagamit para sa mga proyektong pakikinabangan ng mamamayan.
Ang matagal nang problema sa graft and corruption ang isa sa mga sinisikap lutasin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang termino. Bagay na kanyang ipinangako noong kampanya pa lamang niya sa 2016 elections.
Nasaksihan naman ng madla ang kanyang mga hakbang sa paglilinis ng gobyerno. Ilang mga opisyal na nga ang kanyang sinibak sa pwesto dahil sa mga alegasyon ng korapsyon. Bukod pa diyan ang paglunsad ng hotline para sa mga reklamo tungkol sa katiwalian (8888), at ang pag-isyu ng Freedom of Information Order.
Masasabing nagbubunga na ang mga hakbang ng Duterte administration laban sa katiwalian. Isang pruweba ang pag-angat ng ranggo ng Pilipinas sa Corruption Perception Index (CPI) ng Transparency International. Sa latest CPI, sumampa ang bansa sa 99th place nitong 2018 mula sa 111th place (out of 180 countries) noong 2017. Ito umano ang pinakamahusay na performance ng Pilipinas mula 2013, at best score sa ilalim ng Duterte administration.
Binigyang diin ng Malakanyang na ang resulta ng CPI ay patunay ng commitment ni Pangulong Duterte na sugpuin ang corruption.
“The President has truly displayed leadership by example and we expect to see further progress in our ranking and make the country’s score at par with the Asia-Pacific regional average,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Aminado ang Palasyo na hindi magagapi ang katiwalian kaagad-agad dahil malawak at malalim ang pinaguugatan na nito. Kaya tuloy-tuloy ang kampanya para maituwid ang baluktot na sistemang sanhi ng kahirapan sa bansa.
“We see this issue as a constant battle which entails more work on our part but despite this and the challenges which confront the administration, we commit not just to improve our country’s ranking but to stay on track in combating the iniquities of corruption as we vow to end its culture in government,” aniya.
LABAN NG LAHAT
Sa oath taking ceremonies na ginanap sa Malakanyang kamakailan, hinikayat ni Duterte ang mga bagong opisyal ng gobyerno na suportahan ang kanyang adhikain na tuldukan ang korapsyon.
Sa panunumpa sa tungkulin ng halos 200 na bagong opisyal ng iba’t-ibang mga ahensiya ng gobyerno, pinaalalahanan sila ng Pangulo na ang paghawak ng public office ay malaking pananagutan. Naniniwala aniya siya na gagawin ng mga new appointees ang nararapat at ang buong makakaya upang lutasin ang korapsyon sa kani-kaniyang ahensyang kinabibilangan.
“I am confident that as you take your oath, you will also espouse our collective hopes and dreams and advance this administration’s programs and initiatives to realize a prosperous future for all Filipinos. Let us be reminded that a public office is a public trust and for the nth time as echoed by the rest of the humanity of Filipinos, that public office is a public trust,” aniya.
Sa kabila aniya ng mga pagsubok na kanilang haharapin, umaasa si Duterte na ang mga bagong opisyal ay magsisilbing huwaran sa kanilang mga kasamahan sa pagpapakita ng katapatan at kapakumbabaan sa kanilang pagganap ng tungkulin.
Sinabi pa ng Pangulo sa mga bagong opisyal ng Department of Justice (DOJ), Education (DepEd), Trade and Industry (DTI), Foreign Affairs (DFA), Labor and Employment (DOLE), Bureau of Customs, National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), at iba pang mga ahensya na gamitin nila ang kanilang resources ng may kahusayan at bumalangkas ng mga programa para sa ikabubuti ng lahat, anuman ang kanilang lahi, relihiyon, antas ng pamumuhay, at political affiliation.
“Let us look forward to the future with optimism as we do our best in building a more secure, equitable, prosperous future for all Filipinos,” sabi ni Duterte.
Sa kabila nito, hinimok din ng Malakanyang ang bawat Pilipino na lumahok sa laban ng pamahalaan kontra katiwalian sa pamamagitan ng pagkundena at pagsumbong sa mga corrupt practices.
“We ask the citizenry not to initiate or enable any form of bribery but rather report any irregularity they may experience in dealing with the government, its offices or its officials. It is only through our collective efforts that we can entirely eliminate corruption from our country’s institutions,” panawagan ni Panelo.
Isang toast for enduring friendship sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang inialok ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa ibang lumahok sa banquet sa Prime Minister’s Office sa Tokyo. PRESIDENTIAL PHOTO/TOTO LOZANO
CORRUPTION-FREE BUSINESS CLIMATE IN PH
Kamakailan ay tumulak ang Pangulo papuntang Tokyo, Japan para dumalo sa 25th Nikkei Conference on the Future of Asia. Ilan sa kanyang mga accomplishments sa kanyang pagtungo doon ay ang pagkamit ng 26 business agreements at letters of intent na nagkakahalaga ng P288.894 billion. Ito ay mga nilagdaang kasunduan sa pagitan ng mga Filipino at Japanese companies.
Sa pakikipagusap ni Duterte sa mga Japanese investors na mamumuhunan sa bansa, tiniyak niya na “corruption-free business climate” ang kanilang madadatnan sa Pinas.
“I just assure you that during my time I said there will be no corruption,” wika ni Duterte sa kanyang talumpati sa Business Forum at the Imperial Hotel in Tokyo, Japan.
Dagdag pa niya, huwag silang magdadalawang isip na i-report sa kanya ang anumang uri ng kurapsyon at anumang sagabal na kanilang pamumuhunan sa Pilipinas. Tiniyak ng Pangulo na agad tutugunan ng kanyang Gabinete ang anumang aberya.
OATH OF OFFICE. Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panunumpa ng 200 bagong itinalagang government officials sa isang seremonya sa Malakanyang. (PRESIDENTIAL PHOTO/KING RODRIGUEZ)
“I will give you at any hour of the day or night you can contact any of the Cabinet members or your Filipino lawyers or Filipino workers, and you can ask an audience with me in 24 hours and I will talk to you and just let me know what your problem is and we will kill that problem,” aniya.
Ipinagmalaki din ng Pangulo ang pagiging “natural choice” ng Pilipinas para sa mga Japanese companies na naghahanap ng manufacturing base sa mga bansang kabilang sa ASEAN at high-value Knowledge Process Outsourcing ventures. Ibinida rin niya ang pag-angat ng credit rating ng bansa sa BBB+, ang pinakamataas na rating na nakuha ng Pinas sa kasaysayan.
Dahil dito, nagpahayag ng mataas na kumpiyansa ang gobyerno ng Japan sa Duterte administration at nangakong patuloy na susuportahan ang infrastructure at peace and development programs ng pamahalaan.
Sa isang pagpupulong, ipinagmalaki ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang pagiging “largest partner” ng Japan sa “Build, Build, Build” mega infrastructure program ng Duterte administration, na nagkakahalaga ng P8 trillion.
Magbibigay pa aniya ang Japan ng $9 bilyong ayuda sa iba pang mahahalagang proyekto ng gobyerno, at 25 billion yen para sa road network sa Mindanao, at mga vocational training facilities at equipment.
“We will continue to strongly support the sustainable economic development of the Philippines through assistance in quality infrastructure,” ipinahayag ng Punong Ministro Abe.
Bilang ganti, ipinangako ng Pangulong Duterte na gagawin ang lahat upang proteksyunan ang magandang ugnayan ng dalawang bansa tungo sa pag-unlad.
“Given all these, your investments are assured of protection and gains. I guarantee that. And as a matter of fact, I place my honor in what we promised to our partners especially the Japanese and the Japanese people,” wika ng Pangulo. “More than Build-Build-Build, let us work together to Grow-Grow-Grow our economies.”