Sa Washington…
Nagbanta si US President Donald Trump na puputulin ang ugnayan at papatawan ng sanction ang China at ibang oil at banking companies na may negosyo sa North Korea.
Hindi lamang China ang posibleng maapektuhan ng sanction ng US kundi maging ang ibang bansa na mayroong kaugnayang pagnenegosyo sa North Korea.
Ayon kay Treasury Secretary Steven Mnuchin kung nais daw umano makipag-negosyo ng mga bansa sa Amerika, kinakailangan ay putulin nito ang anumang ugnayan sa North Korea.