Ni: Melrose Manuel
Masarap ang kumain nang kumain ngunit may mga pagkain na dapat nating piliin kung gusto nating maging matalino o ang tinatawag na “brain foods.”
Kapag sapat sa bitamina at nutrisyon ang iyong pagkain, mas magiging matalas ang iyong pag-iisip at memorya kumpara sa mga taong hindi kumakain nito.
Hindi magiging mabisa ang pagpapatalas ng isip kung kulang sa tamang nutrisyon at bitamina ang katawan. Halimbawa nito ay ang sumusunod:
Abokado
Ito ang pinakamasustansiya sa lahat ng pagkain na maaari nating kainin para sa ating utak. Mayaman sa Vitamin B at healthy fats na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak at pinapakinis din nito ang ating kutis.
BlueberrY
Ang prutas ito ay sagana sa antioxidants at nakatutulong upang mapanumbalik ang talas ng isipan, nababawasan nito ang tiyansa ng pagkakaroon ng alzheimer’s disease at demensia.
Mani
Nakatutulong ito sa memorya at pinipigilan nito ang pagtanda ng isang tao dahil mayaman sa Vitamin E.
Isdang salmon
Ang salmon ay mayaman sa omega-3 oil na labis na kinakailangan upang gumana ang ating utak. Pinapanatili nito na malusog at masigla ang ating pag-iisip.
Itlog
Mayaman ang itlog sa Vitamin D, nagtataglay ito ng cholesterol na nagsisilbing brain-protective antioxidant. Ang egg yolk ay mayaman sa choline na tumutulong sa fetal brain development para sa mga nagbubuntis. Mataas din sa Vitamin A, iron at folate na kailangan ng mga bata para ma-develop ang kanilang utak at memorya.
Kamatis
Ang mga gulay na kulay pula ay pangunahing nagtatag-lay ng carotenoids na kung saan ito ang nagpapatalas at nagpapabuti sa ating memorya. Meron din itong lycopene na kalimitang makikita sa kutis ng kamatis na nakatutulong kontra depresyon.
Beets
Ito ay may betain na sumusuporta sa serotin na kumukontrol sa kundisyon ng pag–iisip. Meron din itong folic acid para patibayin ang mental at emotional na kalusugan.
Dark chocolate at red wine:
Napabubuti nito ang daloy ng ating dugo sa ating utak dahil mayaman ito sa polyphenolds. Nagpapabuti rin ito sa paggana ng utak.
Kape
Makatutulong ang kape para maiwasan ang alzhei-mer’s disease at panghihina ng ating isipan. May sangkap na antioxidants at caffeine ang kape. May tulong din ang kape sa pag-memorya ng iyong ina-aral pero panandalian lang ang epekto nito ngunit huwag din sosobrahan at baka bumilis ang pagtibok ng iyong puso.
Turmeric
Ito ay tumutulong upang mapataas ang antioxidant level at nagpapanatili ng malakas na immune system. Ang taglay na anghang ng turme-ric ay ginagamit ng utak para sa paghinga.