Ni: Noli C. Liwanag
LUMAGDA na ng kontrata sa World Wrestling Entertainment (WWE) si UFC star Ronda Rousey.
Kasabay ang anunsiyo ng dumalo si Rousey sa Royal Rumble event sa Philadelphia, Pennsylvania.
Itinuturing na ang pagsali ni Ronda sa WWE ay isang pangarap na natupad.
Huling lumaban si Rousey noong December 2016 kung saan tinalo siya ni Amanda Nunes sa UFC 207 at unang natalo kay Holly Holm.
Bukod dito, babaeng Arab fighter sa WWE na sasabak sa professional wrestling ng World Wrestling Entertainment si Shadia Bseiso.
Ang 31-anyos na Jordanian ay sumailalim na sa matinding training program ng WWE Performance Center sa Orlando, Florida.
Nagtrabaho bilang TV host, voice over artist at event presenter si Bseiso at may sariling privately-owned media company na nakabase sa Dubai.
Nagsimulang nagka-interest sa martial arts si Bseiso noong 2014 bilang professional jiu-jitsu athlete.