NAGPATAWAG ng halalan ang governing body ng amateur boxing na Association Internationale de Boxe Amateur (AIBA) sa Nobyembre isang araw makaraang tanggalan ng pagkilala sa Olympics.
Sinabi ni AIBA executive committee member Umar Kremlev, ihahalal daw nila ang bago nilang pangulo sa darating na Nobyembre 15 sa Lausanne, Switzerland upang makatulong sa pagsasaayos ng kanilang imahe at ng relasyon nila sa International Olympic Committee.
Kamakailan tinanggalan ng IOC ang AIBA ng papel sa 2020 Tokyo Olympic tournaments matapos ang masusing imbestigasyon sa kanilang liderato, at integridad ng mga boxing bouts sa nakalipas na Summer Games.