TENNIS superstar Serena Williams.
NG: SMNI NEWS
UMATRAS na sa nagpapatuloy na Italian Open Tennis Tournament ang tennis superstar na si Serena Williams.
Sa pahayag ni Williams, sinabi nito na ang kanyang pag- withdraw sa torneyo ay bunsod ng kanyang iniindang injury sa kaliwang tuhod.
Nakatakda sanang makaharap ni Serena ang kanyang kapatid na si Venus Williams sa second round match ng nasabing tournament.
Dahil naman sa pag-withdraw ng 37-year old tennis superstar, ay aabante na sa third round ng kompetisyon ang kapatid na si Venus via Walkover.
Samantala, inaasahan naman ni Serena na makakabalik ito sa paglalaro sa darating na French Open Tournament 2019 na magsisimula ngayong Mayo 26.n