Pinas News
PINASAYA ng tatlong Filipino MMA fighters mula sa Team LAKAY ang madlang pipol sa ipinakitang laban ng mga ito sa ONE: Heroes of Honor sa SM Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City kamakailan.
Sa unang round ng main event, nagpakitang gilas si Kevin “The Silencer” Belingon at hindi pinaporma sa laban si Andrew Leone ng United States. Tinapos agad ng tubong Baguio City ang laban sa second rounds sa pamamagitan ng spinning side kick na ikinabagsak ni Leone sa canvas
Wagi sa Bantamweight bout si Belingon sa pamamagitan ng TKO (Strikes) na naorasan ng 1:27 minutes.
Ibang laban naman ang ipinakita ni former ONE Featherweight World Champion Honorio “The Rock” Banario kontra kay Adrian Pang.
Magandang tirada ang atake at atras ni Bana-rio na dahilan upang makamit ang Lightweight bout sa pamamagitan ng Split Decision (SD) after 3 rounds.
Isa pang Team LAKAY ang hindi nagpatalo sa laban, si Gina Iniong na tinalo si Jenny Huang sa pamamagitan ng Unanimous Decision (UD) matapos ang 3rd rounds.
Bukod sa laban ng tatlong Team Lakay, ipinakita din sa buong mundo ang iba’t ibang laban sa ONE: Heroes of Honor.
Super Series Kickboxing catchweight bout (70.0kg): Giorgio Petrosyan defeats Jo Nattawut by Unanimous Decision (UD) after 3 rounds; Super Series Muay Thai catchweight bout (67.0kg): Nong-O Gaiyanghadao defeats Fabio Pinca by Unanimous Decision (UD) after 3 rounds; Featherweight bout: Marat Gafurov defeats Emilio Urrutia by Submission (Arm Triangle Choke) at 2:34 minutes of round 1; Bantamweight bout: Dae Hwan Kim defeats Masakazu Imanari by Unanimous Decision (UD) after 3 rounds; Super Series Muay Thai lightweight bout: Cosmo Alexandre defeats Elliot Compton by Knockout (KO) at 2:41 minutes of round 2; Catchweight bout (63.0kg): Akihiro Fujisawa defeats Kaji Ebin by Submission (Verbal) at 1:48 minutes of round 1; Super Series Kickboxing catchweight bout (78.0kg): Regian Eersel defeats Brad Riddell by Unanimous Decision (UD) after 3 rounds; Strawweight bout: Adrian Mattheis defeats Lan Ming Qiang by Unanimous Decision (UD) after 3 rounds.