Mahalaga ang industriya ng turismo sa mga lalawigang may magagandang pook-pasyalan tulad ng Puerto Princesa Subterranean River National Park sa Palawan.
Ang naturang Underground River ay binabalik-balikan ng mga turistang banyaga at local dahil sa nakamamanghang anyo ng ilog na dumadaloy sa loob ng mahabang kuweba,na tanging ang kalikasan lang ang may likha.
Dahil sa paghugos ng mga turista sa Palawan, malaki ang na isasampang buwis sa kabang-yaman ng lalawigan. Kumikita rin ang mga mamamayan sa palibot ng mga tourist destination, kaya napakahalaga sa kanila ng industriya ng turismo.
Ikinalungkot ng mgaPalaweño ang naturang travel advisory dahil kabawasan sa kanilang hanap buhay ang pagliit ng bilang ng mgaturistangdumadayosakanilanglugar.
“Wala naman kaming napapansing kakaiba sa aming lugar, kaya walang dapat na ipangamba ang mga turista.Tiwala naman kami sa kakayahan ng atingpulisya at kasundaluhan kaya naniniwala kami na hindi magagawa ng mga bandidong Abu Sayyaf na makapaghasik ng kaguluhan sa aming lalawigan,” anang isangPalaweño, na hindi na ipinabanggit ang pangalan.
Sa kabila nito, mahigpit pa rin ang pagbabantay na isinasagawa ng magkasanib na puwersa ng pulisya at militar at patuloy ang kanilang paniniktik sa mga lugar na posibleng puntahan ng mga terorista.
Titiyakin umano ng mga puwersang panseguridad ng bansa na maging ligtas ang Palawan bunsod ng mga ulat hinggil sa balak ng ASG na magtungo sa naturang lugar upang mandukot ng mga dayuhang turista.