Ni: Crysalie Ann Montalbo
BAKAS ang excitement sa supporters ng sikat na Kapamilya loveteam na si Julia Barretto at Joshua Garcia o mas kilala bilang “JoshLia” sa kanilang teleseryeng “Ngayon at Kailanman” na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida mula Lunes hanggang Biyernes.
Bilang kaalaman, ito ang kauna-unahang teleserye na pagbibidahan ng love tandem. Nagsimula ang kanilang tambalan sa matagumpay na pelikulang “Vince, Kath and James” noong 2016 na nasundan ng “Love You to the Stars and Back”, “Unexpectedly Yours”, at ang katatapos lang na “I Love You, Hater.”
LOWEST POINT
Buhat nang magsimula ang kanyang magandang career na talagang nasaksihan ng madla, nanatiling emosyonal pa rin ang Kapamilya teen star na si Julia dahil sa mga pagsubok na kanyang hinarap.
Sa kanyang panayam sa late night talk show na Tonight With Boy Abunda, hindi niya napigilan ang luha.
“I’ve always dreamed for this day. If before, people could easily –iyong api-apihin ka, iyong ibalewala ka. Super, super thankful ako. It’s just so humbling,” saad ng aktres.
Tila wala sa bokabularyo niya ang pagpapahinga sapagkat kailangan niyang pag-igihin ang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz.
“I want to keep working hard, I don’t want to get comfortable, I don’t want to stop. The fire? It’s burning.”
Inamin niya ring umabot siya sa kanyang “lowest point”.
“Na-experience ko ‘yung to have gain and to have lost and to have to work hard for something that you want. And when you have it, the more you’ll take care of that important thing kasi ayaw mo nang mawala ulit sa’yo.”
Subalit buong tapang niyang hinarap ang lahat ng ito dahil naniniwala siya na isang araw, magiging maayos din ang lahat.
“I had faith,” iginiit ni Julia.
“Every night I talked to God and be like, ‘God, I know one day it’s going to get better for me,” dagdag niya.
PAGIGING PALABAN AT MAPAGPATAWAD
Sa kabila ng mga pinagdadaanang pagsubok sa buhay, sinabi niyang nananalaytay pa rin sa kanyang dugo ang pagiging Barretto, na kilala bilang palaban.
“Palaban ang mga Barretto. Kailangan ko rin na maging palaban. Kailangan, hindi tayo magpa-api, guys. Once lang… dati. After that, babangon. Dapat babangon agad,” buong tapang na sinabi ng teen star.
Palaban man, hindi pa rin mawawala sa kanya ang malambot at butihing puso sa paraan ng pagpapatawad.
“Siguro ako, I know how to forgive even you say sorry, for my inner peace and peace of mind,” ayon sa obserbasyon ng aktres sa kanyang sarili.
HANDA NA SA MATURE SCENES
Ibinahagi ni Julia na siya ay bukas sa posibilidad na gawin ang mga mature na eksena.
“I’m very open. Honestly because we are above 20. We are 21, turning 22,” aniya nito.
“I also feel like it’s also healthy to be able to explore and take a little bit of risk… I’m sure the creatives will do something about it.”
“Saka sa ‘Ngayon at Kailanman’ mas nagiging mature na ‘yung roles namin and we are adults na. So I’m very much excited,” dagdag niya.
KAMUSTA ANG LOVELIFE?
Mukhang “ngayon at kailanman” rin ang estado ng relasyon ng real-life loveteam na si Joshua at Julia.
Masaya ang dalawa dahil nananatili pa rin silang matatag sa kabila ng mga pagkukulang sa isa’t-isa.
Para sa kanila, nagpapatibay ng kanilang relasyon ang on and off na tampuhan.
Noong nakaraang buwan ay ipinakita nila ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa matapos bumisita sa ‘Magandang Buhay’.
“I love you Baba despite of all the imperfections sa partnership natin, sa mga pagkukulang natin sa isa’t isa. Kasi hindi naman tayo perpektong tao na kahit gusto nating maibigay ang 100%. There’s something in us na baka hindi natin napu-fulfill about each other, of each other. I love you because you are enough, you are more than enough and you are all that I need na,” ani Julia.
Nagpapasalamat rin si Joshua sa kanyang partner na si Julia dahil sa kabila ng kanilang misunderstanding, magkasama pa rin silang nalampasan ang lahat ng problema sa kanilang dalawa.