Ni: Jonnalyn Cortez
Tumutulong na sa kanilang pamilya si Yco sa edad na 17 sa pamamagitan ng pagtitinda ng kamatis at sibuyas sa palengke.HINDI hinayaan ni Yco Tan ang kahirapan ng buhay upang mag-umpisa siyang mangarap at bigyang katuparan ang mga ito.
Habang nakasabit sa trak hawak-hawak ang kanyang basket, nakikipagsabayan sa mga lumulutang na basura at nabubulok na gulay, nagsi-mula na niyang tanungin ang kanyang sarili.
“Ganito na lang ba ang buhay ko?” aniya. “Dapat ay may mas maganda pa kong plano para sa aking sarili.”
PAGLIPAD SA IBANG BANSA
Nakakita ng malaking tyansang umunlad sa buhay si Yco noong inimbitahan ito ng ka-nyang kaibigan na magtrabaho sa Saudi Arabia noong 1984. Sa edad na 19, pinalabas nilang 21 na siya upang mapayagang makaalis.
Nagsimula siyang magtrabaho bilang tao sa bodega ng isang department store. Kumikita siya noon ng SR850 o P5,000 kada buwan.
Patuloy na nangarap si Yco dahil alam niyang kaya pa niyang umunlad.
Kaya naman, kahit madalang magbigay ng promosyon ang mga Arabo sa mga Pilipino, ginawa niya ang lahat upang maging manager.
“The biggest challenge is still discrimination. At work, everybody knows that it’s the Filipinos who do most of the job. But when it comes to promotions, the last people they’d consider are Filipinos,” anito.
Sa loob ng dalawang taon, hindi na siya tao sa bodega, naging junior manager siya at naging assistant manager pa.
Pinag-aral din siya ng ka-nyang kumpanya sa University of Cape Town sa South Africa bilang ganti sa 18 taon na serbisyong kanyang binigay. Bumalik ito sa Saudi pagkatapos ng tatlong taon bilang isang store manager na.
Dahil dito, natulungan ni Yco na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid.
“Kung hindi ako umalis, siguro kahit isa sa amin ay hindi makakapag-college,” pag-amin nito.
PAGSISIMULA NG MAGANDANG BUHAY AT PAG-UNLAD
Pagkatapos malamang meron siyang chronic sinu-sitis, nagpasyang umuwi sa Pilipinas si Yco noong 2002 upang magsimula muli at magtayo ng sariling negosyo.
Sinubukan niya ng ka-nyang asawang si Elizabeth na magtayo ng patahian, na sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay.
Ginamit naman nila ang nakuhang P300,000 na utang pangkabuhayan mula sa Land Bank upang ilunsad ang kanilang kauna-unahang salon na EveGate sa Tabaco City, Albay. Pumatok ang naturang salon na naging daan upang mabayaran nila agad ang kanilang inutang sa bangko at magbukas pa ng ibang sangay sa buong rehiyon.
Sa ngayon, meron na silang 17 na salon sa buong Bicol.
Bukod dito, nagtutustos din sila ng mga gamit at gamot na pangpaganda sa mga salon sa Albay sa pamamagitan ng kanilang Adams Housing Salon Supply. Nagbibigay din sila ng mga pagsasanay para sa mga nais maging beauty at hair technician sa kanilang Evegate Technical Development Training Academy.
Sinubukan din nilang magbukas ng iba pang negosyo na nasa linya pa din ng pagpapaganda. Ilan na nga dito ang Salon de Estudyante, Fresh Up Nail and Body Spa at Spalon. Lahat ito ay sa i-lalim ng kanilang Tanvera Corporation.
PAGTULONG SA MGA PWD AT SENIOR CITIZEN
Maliban sa mga parangal na natanggap ng pamilya Tan, isang malaking dangal din para sa kanila ang maka-tulong sa ibang tao.
Sa katunayan, sinisiguro ng pamilya na makatulong sa mga persons with disabilities o PWD sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng trabaho.
Nakuha ng mag-asawa ang ideya na kumuha ng PWD na trabahador dahil sa kanilang kasama sa bahay na may problema sa pandinig.
“So everytime na nagtetraining si misis, nakikita namin siya na parang very attentive. Interesado siya. And when my wife asked her kung gusto niyang matuto, sabi niya very much willing daw siya,” kwento ni Yco.
Mula noon, siniguro na ng pamilya na kumuha ng kahit isang PWD na magtatrabaho sa bawat salon na meron sila. Nagbibigay din ang mga ito ng scholarship para sa mga PWD sa mga eskwelahan.
Nagbibigay din sila ng libreng pag-aaral ng masahe at physical therapy sa iba’t-ibang komunidad sa Bicol sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Kinukuha naman nila awtomatiko ang lima sa pinakamagagaling na estudyante sa klase.
Kumukuha din sila ng mga senior citizens na kaya pang magtrabaho sa kanilang mga salon. “If we hire them, they become busy, earn money, and at the same time, become more beautiful. They get a reason and the means to dress up again and look good,” paliwanag ni Yco.
Gumagawa din sila ng mga outreach programs taon-taon upang magbigay ng libreng gupit, manicure, pedicure, at masahe sa mga kapus-palad.
PAYO SA MGA KAPWA OFW
Pinapayo ni Yco sa mga kapwa OFW na magplano ng maaga habang nasa abroad pa.
“Kailangan you come home prepared. You do a project. You do a business plan,” ani Yco.
Sinabi din nito na maaaring lumapit sa gobyerno upang makapagsimula ng negosyo.
“Lumapit ka sa gobyerno … like free training. May mga loan pa sila.
Syempre pa, ang mga katipan ng OFW na naiwan sa Pilipinas ay maaari ng magsi-mulang magnegosyo habang nasa abroad ang kanilang asawa. Isang hakbang na din ito patungo sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.
Kailangan din na ang pipiliin ninyong negosyo ay yung malapit sa inyong mga puso.
“Kung ‘yung ginagawa mo ay ‘yung gusto ng puso mo, napakaikli ng 24 hours sa ‘yo,” pagpapatotoo ni Yco.