Ni: Ana Paula A. Canua
Ayon sa Swiss Federal Institute of Aquatic Science and Technology at University of Illinois, maaring nagtataglay ng “potentially pathogenic bacteria” ang inyong cute na rubber ducky.
Sa eksperimento na isinagawa kung saan binuksan at pinag-aralan ang loob ng rubber duck napatunayan pinapamahayan ng “Legionella at Pseudomonas aeruginosa bacterium”, ang inyong laruan. Ang nasabing bacteria ay maaring magdulot ng impeksyon sa mata at tenga.
Nagbabala naman ang grupo na kung maari ugaliin na palitan ang rubber ducky kada isang buwan at bantayan ang anak na huwag makainom ng tubig sa bath tub.