Ni: Pol Montibon
SA pakikipag tulungan ng Asian Development Bank (ADB) at National Energy Administration (NEA), isang makabagong teknolohiya na makatutulong sa pagkakaroon ng alternatibong pagkukunan ng inuming tubig ang pinasinayaan sa gusali ng ADB kung saan apat (4) na hydropanels ang naka-install sa bubong ng building.
Mula sa pinagsamang sikat ng araw at hangin, kaya ng hydropanel na makagawa ng apat hanggang limang litrong tubig na idadaan sa nakakabit na tubo papunta sa main dispenser ng isang gusali o ordinaryong tahanan.
Sa isinagawang presentasyon ng Zero Mass Water Inc., isang US based solar corporation, ang source hydropanels ay nagtataglay ng condenser system na sumasagap mula sa init ng araw na siya namang daan para makagawa ng inuming tubig
Ayon kay Greenheat Director Glen Tong, isang solar provider, layon ng programa na matulungan ang mamamayan, lalo na sa mga rural areas sa bansa na kulang sa access sa malinis na tubig
Dagdas pa ni Tong, “There are many situations where you do not have access to potable water and I think that the Zero Mass offers a long term solution, if you cannot have access to a deep well or something for around the people around the Philippines.”
Sa ngayon, tanging ang Asian Development Bank at NEA pa lang ang may sariling installation ng nasabing hydropanels.
Bago magtapos ang taong kasalukuyan, nasa apat mula sa walong electric cooperative sa bansa ang nakatakdang pagkabitan ng hydropanels.
Ikinukonsidera ang mga lugar na may mababang access ng potable water sa mga residente ang mga sumusunod.
FOR INSTALLATION:
- Bohol Electric Cooperative (BOELCO)
- Davao del Sur Electric Cooperative (DASURECO)
- Bukidnon Electric Cooperative (BUELCO)
- Pangasinan Electric Cooperative (PANELCO)