Ni: QUINCY JOEL CAHILIG
PINATIGIL ni US President Donald Trump ang ilan sa nakatakda niyang public events dahil sa lumalalang sitwasyon ng coronavirus disease 2019 outbreak.
Dahil sa payo ng mga eksperto na umiwas sa matataong lugar at okasyon dahil sa COVID-19 risk, di na tutungo si Trump sa Colorado, Nevada, at di na rin niya dadaluhan ang nakatakdang “Catholics for Trump” event sa Milwaukee, na bahagi ng kanyang 2020 presidential campaign.
Kinansela na rin ng White House ang pagdalo ni Trump sa Shamrock Bowl event bilang pag-iingat ayon sa White House Social Office.
Dahil din sa banta ng coronavirus, na-postpone din ang nakatakdang pagdalo ni Trump sa Republican Jewish Coalition annual meeting sa Las Vegas, Nevada kung saan kasama niya rin ang ilang opisyal, governors, at mga congressmen.
In light of the COVID-19 epidemic, in consultation with the White House and our outside experts, we have regretfully decided to postpone the RJC Annual Meeting, which was to be held this week in Las Vegas, ayon sa press release ng organisasyon.
Ang pagkansela ng mga events ng pangulo ay nangyari matapos ipahayag ni Trump ng travel ban mula Europe patungong US, kung saan binigyang-diin din niya ang panawagan sa publiko, lalo na sa mga matatanda, na umiwas sa mga matataong lugar.
“In general, older Americans should avoid all essential travel in crowded areas. My administration is coordinated directly with communities with largest outbreaks and we have issued guidance on school closures, social distancing and reducing large gatherings. Smart action today will prevent the spread of the virus tomorrow,” wika ni President Trump.