KINILALA ng Collegiate Press Corps Awards ang mga lady spiker na sina Sisi Rondina at Regine Arocha na tumanggap ng SportsVision Volleyball Players of the Year awards.
Nakapagpanalo na ang Tigress na si Rondina ng 3-peat championship sa beach volleyball at nakapagbigay na ng kaniyang unang ginto sa UST sa UAAP Season 81.
Sa ngayon, ito na ang huli at ikalimang taon ng four-time MVP na si Rondina na maglaro para sa University of Sto. Thomas.
Habang pinangunahan naman ng lady chief na si Arocha ang finals ng NCAA Season 94.
Naiuwi ng Arellano University ang kanilang 3-peat championship kontra sa Our Lady of Perpetual Help University. Ang kampeonato ay nagbigay din kay Arocha ng kaniyang ikalawang magkasunod na MVP Award.
Kabilang din sa pinangaralan ng Collegiate Press Corps Awards ay ang National University Women’s Basketball Team na tumanggap ng Award of Excellence, ang Ateneo Player na si Angelo Kouame at si Javee Mocon ng San Beda, bilang mga pivotal players, CJ Perez ng Lyceum at Sean Manganti ng Adamson University bilang mga impact players.