NI: ANGEL PASTOR
Ikaw ba ay mahilig magpainit? O mahilig mag-beach? Tuklasin at alamin kung bakit kinakailangang maglagay ng sun cream sa mukha.
Sa isang bagong pananaliksik, lumabas na ang mga babala sa mga sunscreen bottles na nagsasabing huwag maglagay ng lotion malapit sa kanilang mata dahil naglalagay ito sa mas mataas na potensyal nang pagkakaroon ng kanser sa balat.
Natuklasan ng mga eksperto na ang mga taong hindi naglalagay ng sun cream sa ilang importanteng bahagi ng mukha ay may malaking posibilidad na mag-absorb ng mga UV ray na makapagdudulot ng skin cancer.
Ito umano ay nakakabahala at kinakailangang bumalik ng mga sunbathers sa basic na paglalagay ng sun cream na head to toe na pamamaraan.
Lumalabas na kadalasan sa mga malalang skin cancer ay nakakaapekto ng 15, 400 na tao kada taon sa UK kung saan 2, 460 rito ay namamatay at sampung porsyento nito ay nagmumula sa eyelids.
Inirerekomenda rin na mas mabuting gumamit na lang ng sunglasses kung ikaw ay makakalimutin at hindi na nalalagyan ng cream ang mukha upang maprotektahan ang parte ng iyong mga mata.