EYESHA ENDAR
Nababahala ang National Youth Commission o NYC sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV sa bansa.
Batay sa pag aaral ng NYC Committee on Health, nasa apatnapung kaso ng HIV kada araw ang naitatala at kung susumahin mahigit animnapung libong kaso na ang naitatala sa bansa mula noong 1980
Ayon kay NYC Commissioner for Visayas at Chairman ng Committee on Health Assistant Secretary Vic Del Rosario, tumataas ang bilang ng nasabing kaso dahil sa kawalan ng edukasyon at sapat na impormasyon kaugnay sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, nagtatag ang komisyon ng isang “happy project” na binubuo ng mga sangguniang kabataan sa buong bansa na humihimok sa mga kapwa kabataan na maging HIV-AIDS advocate.
Samantala, binuo naman ng Department Of Science And Technology o DOST ang isang digitized arts program na tumatalakay sa kamalayan ng tao patungkol sa HIV sa pamamagitan ng mga palabas o films, photography, illustrations at infographics.