IPINAKITA na sa publiko ang bagong ayos na Capitol complex ng Iloilo City.
Pinangunahan naman nina Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., Former Governor Arthur Defensor Sr., at Vice Governor Christine Garin ang opening ceremony ng bagong gawang complex na napuno na din ng mga pamaskong palamuti.
Aabot naman sa Php 400 milyon ang nagastos sa re-development project ng Kapitolyo.
Kabilang naman sa mga bagong pasilidad sa complex ay ang multi-level parking, landscaping mula sa harap ng Capitol building hanggang sa casa real o sa lumang capitol, maayos na daanan papuntang Western Visayas Regional Museum at stable power station.
Sentro naman ng ginawang rehabilitasyon sa Capitol complex ng Iloilo ay ang “Panaysayun sang Paranublion” mural na may laking two by 15-meter.
Ang naturang mural ay sumisimbolo sa mayamang kultura at kasaysayan ng probinsya ng Iloilo at dinisenyo ng mga arkitekto na sina Victor Jacinto, Ryan Angelo Braga, Kenneth Torre, at Jorge Cadiao Jr.