Ni:Beth Gelene
HINDI nakatiis si Hayden Koh na sagutin ang nam-bash sa kanyang misis na si Vicki Belo.
May post sa Instagram account kasi si Hayden ng picture nilang mag-asawa na kuha sa kasal ng dating mister ni Vicki.
Isang netizen ang nagkomento na “Mabuti pa yung Gown maganda. Bakit ganun anu, pinapaganda ang mga me pera at mga personality pero siya mismo hindi gumanda! Just saying.” Obviously si Vicki ang pinatutungkulan.
Sa pamamagitan ng Bible verse ay sinabi ni Hayden “nagsasabing ang lumalabas sa bibig ng tao ay ang nilalaman ng puso nito.”
May kumampi sa kanya at binatikos ang basher sa panlalait nito sa doktora.