DAPAT sundin ang polisiya ng ibang bansa maliban sa Vienna Convention on Diplomatic and Consular Relations.
Ito ang naging pahayag ni dating Ambassador Alberto Encomienda sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kaugnay sa pag-kansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga diplomatic passports ng mga retiradong ambassador ng bansa.
Paliwanag pa ni Encomienda, ang karakter ng diplomatic passports ng Pilipinas na ibinibigay na kortesiya sa mga dating presidente ay labas na sa Vienna Convention.
Ipinagmalaki naman ni Encomienda na simula noong nag-retire siya bilang ambassador ay hindi na niya ginamit ang kanyang diplomatic passport.
DATING Ambassador Alberto Encomienda ay naging ambassador ng Pilipinas sa Greece, Malaysia, at Singapore.