Ni: Mike Almonte
NASA malubhang kalagayan ngayon ang isang batang lalaki na nahagip ng rumaragasang Adventure na sasakyan na may plakang NM 7669 na minamaneho ni Nam Yoon isang Chinese national sa bahagi ng Roxas Blvd. panulukan ng Vito Cruz, tapat ng PICC.
Ayon sa kasamahan ng biktimang si ‘Jun-Jun’, 11 taon gulang, papatawid na sila galing PICC at bigla na lang dumating ang hamahagibis na sasakyan kaya nabundol ang biktima agad naman tinulungan ng mga nakatalagang mga pulis ang biktima at agad dinala sa Ospital ng Maynila.
Hawak na ngayon ng traffic police ang driver na kinilala lang sa pangalang ‘Yoon’, kung saan iniimbestigahan na ang nasabing insidente.