MARGOT GONZALES
HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga Pilipino at ang lahat ng drug information agencies na suportahan si VP Leni Robredo sa kaniyang magiging kampanya kontra droga.
Ito ay matapos tanggapin ni Robredo ang posisyon bilang Co Chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drug o ICAD na inaalok sa kaniya ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Drilon tiwala siyang magagampanan ng leader ng oposisyon ang kaniyang bagong posisyon bilang Co-Chair ng ICAD.
Aminado naman si Drilon na ang pagsugpo sa problema sa illegal drugs ay isang napakalaking trabaho.
Dahil sa pagtanggap ni Robredo sa posisyon ay pamamahalaan nito ang iba’t-ibang drug enforcement agencies tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board and the Philippine National Police hanggang sa kaniyang huling termino sa Hunyo 30, 2022.