• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - January 25, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Wally Peralta

Kim Chiu, levelling up sa karir

November 13, 2018 by Pinas News

By: Wally Peralta  

VERY inspired ang young Kapamilya actress na si Kim Chiu sa di inaasahang pagpanalo niya sa kategoryang Best Single Performance by an Actress para sa “Korea” episode ng Ipaglaban Mo nitong nakaraang Star Awards for television. Hindi kasi expected ni Kim na siya ang magwawagi sa dami kasi ng mga magagaling niyang nakalaban sa naturang kategorya.

“Sobrang hindi ko po ini-expect na ako ang magiging winner,” ang paunang pahayag ni Kim.

“Nagulat talaga ako, kasi first time kong makatanggap ng ganitong klase ng award at talagang nakakataba ng puso, very happy talaga ako!” 

Palaban na Kim Chiu

In time ang pagpanalo ni Kim dahil sa ang susunod na project niya ngayon ay isa na namang malaking hamon sa kanyang kakayahan bilang isang actress, ang pagle-level up ng kanyang career at image bilang actress.

Mula kasi sa tweetums o pacute na acting ni Kim ay nagle-level up na siya into a much more mature actress. Meaning magiging palaban na siya at gaganap na ng daring and sexy roles.

At bilang baptism of sorts para kay Kim sa panibagong dimension ng kanyang career-image ay tinanggap niya ang isang pelikula kung saan ay magkakaroon siya ng sexy love scenes sa kanyang leading man, hindi lang sa isa kundi sa dalawa pa — sina Dennis Trillo at JC de Vera — sa One Great Love, isa sa mga official entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

First time para kay Kim na gumawa ng daring love scenes sa pelikula, hindi naman kaya siya nagdalawang isip na gawin ito lalo pa nga’t nakatanim na ang sweet image niya sa mga fans at viewers?

“When I was informed that may offer sa’kin ang Regal at pang-adult daw yung kuwento, siempre, ni-request ko munang mabasa yung script. Papunta ako noon abroad for an event, and I brought the script with me, binasa ko sa loob ng plane.

“Naku, nagandahan ako, hindi ko na nabitiwan. So pagbaba ko sa plane, tumawag ako agad and told them I’m accepting the role kasi I just loved the script,” sabi ni Kim. 

Working with a Kapuso actor

Bukod sa unang pagkakataon na sasabak si Kim sa mga intimate scenes ang isa pa sa kinaganda ng bagong movie niya ay ang pagkakataon na makasama niya sa isang project ang isa sa mga batikang Kapuso actor — si Dennis Trillo.

Isa na naman itong first para kay Kim, dalawang first, kung tutuusin dahil ngayon lang niya makakasama si Dennis sa isang project at ngayon lang niya makakatambal ang isang actor na di Kapamilya.

  Maraming”first” ang One Great Love para kay Kim. Bukod sa daring and sexy scenes kasama ng dalawang leading man, si Dennis at JC de Vera, ito rin ang unang pagkakataon niya makatrabaho ang direktor ng pelikula.

“First time ko to work with Dennis and also with Direk Eric Quizon,” sabi ni Kim.

“Si Dennis, sobrang tahimik pero pag nasa harap na ng kamera at umaakting na, ang galing niyang actor. Maging sa movie namin ay tahimik siya, as in walang scene na magkaka-confrontation sila ni JC. Walang mga eksenang sigawan, awayan, sampalan o pisikalan,” dagdag ni Kim.

“Ang maganda sa story, it’s more of an internal struggle noong character ko. What the movie wants to prove is kung totoo pa ba yung feeling na one great love or abstract concept na lang siya,” paliwanag ni Kim.

Award o box office

At dahil sa kakaibang atake ang ginawa ni Kim Chiu sa kanyang bagong movie project at super effort talaga ang kanyang byuti na bigyan ng justice ang kanyang character, hoping kaya ang kanyang byuti na manalo muli ng isa pang best actress award ngayong taon, sa Metro Manila Film Festival Awards night naman?

“Ay, wala akong ganung expectation! I’m just thankful na sa’kin napunta ang napakagandang project na ito at nakapasok kami sa festival. We’re all very proud of what we’ve done,” aniya.

Nagbigay pa nga ng assurance si Kim na hindi siya mapapahiyang irekomenda ang movie nila nina Dennis at JC dahilan sa napakaganda raw ng istorya nito at kapupulutan ng aral ng mga taong wagas kung magmahal.

“More than winning awards, mas gusto naming panoorin ito ng mas maraming tao and I assure the viewers na hindi kami mapapahiya sa kanila kapag pinanood nila ito.” 

Praktis pa more

Isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Kim ay ang pagiging co-host sa bagong reality talent search show ng Kapamilya Network, ang Star Hunt na mapapanood daily. Kung pagbabasehan ay ang kalidad ni Kim bilang isang actress, walang duda na magaling si Kim sa field of acting at ilang acting awards na rin naman ang kanyang napanalunan. Pero marami sa mga viewers ng Star Hunt ay tila hindi satisfied kay Kim bilang isang co-host. As in, hilaw na hilaw pa siyang maging host ng isang talent search show. Tsika nga ng ilan, as a host ay marami pang dapat na matutunan si Kim.

“Aminado naman ako na talagang hindi ko linya ang hosting. Hindi ko talaga kayang mag-host na mag-isa. Kaya nga happy ako at nabigyan ako ng oportunidad ng ABS CBN na maghost ng ganitong klaseng show,” aniya.

“Ang masaya pa rito ay kasama ko pa ang mga dating housemates ko sa PBB. Ha ha ha ha! Feeling ko nga pag nagho-host ako ay ibinabalik yung nakaraan ko, noong nagsisimula palang ako sa showbiz. Tapos kasama ko pang mag-host yung mga kasabayan ko,” sabi ni Kim.

“Parang tuloy back from the start na….. marami pa akong dapat na matutunan,” pagtatapos pa ni Kim.

Showbiz Slider Ticker Dennis Trillo Direk Eric Quizon JC de Vera Kim Chiu Korea Metro Manila Film Festival Metro Manila Film Festival Awards One Great Love PINAS Star Hunt Wally Peralta

Gabbi Garcia, Sariling Kayod

November 7, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

NAKILALA at sumikat ang Kapuso young actress na si Gabbi Garcia dahilan sa loveteam nila ng Kapuso matinee idol na si Ruru Madrid. Nagkaroon ng kilig ang kanilang tambalan na unang napanood sa teleserye sa Siete na “Let The Love Begin” at ang sumunod pang proyekto ni Gabbi ay naging kakabit na ang pangalan ni Ruru. Pero sa mundo ng showbiz ay walang permanente.

Pansamantalang nawalan ng isyu sa magkaloveteam, si Ruru ay naging busy sa “Sherlock Jr” kung saan ay agad din tsinugi ang role ni Gabbi para ipokus ng tuluyan kay Ruru ang teleserye. Si Gabbi naman ay nag-concentrate sa kanyang pagiging modelo dito sa bansa at maging sa ibang bansa ay naging mabenta ang pagiging modelo ni Gabbi. At ngayon nga ay nagbabalik soap si Gabbi via “Pamilya Roces” ay hindi na si Ruru ang kanyang magiging leading man at ganun na rin si Ruru, iba na ang kanyang leading lady sa bagong gagawing teleserye sa Siete.

“Career move po!” ang paunang tugon ni Gabbi.

“Desisyon kasi ng management na magsolo-solo na muna kami ni Ruru”

“Okay naman sa’king magsolo kami at yung walang permanenteng ka-love team.”

Ayaw ng mga fans

Siempre bukod sa dalawa ay apektado rin ang mga followers ng kanilang tambalan. At tiyak marami ang malulungkot sa naging desisyon ng dalawa na maghiwalay na muna lalo pa nga’t nagsisimula palang naman ang kanilang tambalan kumpara sa hindi pa rin nabubuwag na loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Enrique Gil at maging nina Nadine Lustre at James Reid? Paano na lang ang sentimyento ng mga supporters ng kanilang loveteam?

“I guess, intindihin na lang nilang as actors, we both have to grow and explore other possibilities by working with other stars.”

“I think they’ll support pa rin us naman ni Ruru even individually. Kaya ngayon pa lang, nagpapasalamat na kami ni Ruru sa kanila para sa kanilang walang sawang suporta.”

Maiba naman

Since na hindi na sila ni Ruru ang pansamantalang magiging magkaloveteam ay may chance na ipareha si Gabbi sa iba’t ibang leading man. Okay lang ba sa kanya na bago ang kanyang leading man?

“Kahit sino naman okay lang.”

“I’m willing naman po to work with anybody and ang sarap din naman po ng feeling that I can interact with others. Kasi sa buong three or four years ko, I’ve only been working with Ruru.”

“Ngayon, may chance ako to work with anybody.”

Hindi sa hinaharap…

Magkahiwalay man ngayon ay hindi malabong magkasama sila muli ni Ruru sa isang proyekto lalo na nga’t iisa lang ang istasyon na kanilang pinagtra-trabahuan. Game rin kaya si Gabbi na muling makatambal si Ruru?

“I don’t think as early as today, hindi ko pa nakikita na magkakasama muli kami sa isang proyekto.”

“We can never tell pa rin naman sa darating na panahon, since we are actors ay okey lang naman na magkasama kami ulit lalo na maganda yung project, why not, di ba?”

Nanigas sa sobrang takot

Isa sa labis na kinatutuwa ni Gabbi sa kanyang muling pagsabak sa teleserye, sa “Pamilya Roces” ay ang mahawakan siya ng isang respetado at hinahangaang director na si Joel Lamangan. Nakilala rin bilang super strict na director at walang sinosinong artista pag hindi nito nagustuhan ang trabaho ng actor. Sa katulad niyang masasabing baguhan sa larangan ng pag-arte, ano kaya ang naging experience niya working with direk Joel Lamangan?

“Actually, kabadong-kabado ako noong una kasi nga I was told very strict siya.”

“Nanigas nga ako noong first taping day. Naunahan kasi ako ng takot. Ha ha ha! Sabi kasi, hate na hate niyang nale-late ang artista niya sa set. Napagalitan nga si Sophie Albert dahil naligaw siya papunta sa set, kaya na-late.”

“Pero wala namang nangyari sa kinatatakutan ko kasi maaga akong dumating sa set and talagang I prepared na agad and memorized all my lines. Ready na ako. Maayos namang nairaos ang first taping day and the succeeding days, at ease na ako.”

“Basta ang importante, when he gives instructions, you should listen para hindi ka magkamali sa harap ng kamera.”

In love sa isang Kapamilya actor

Pagdating naman sa kanyang byuti, tila kahit wala nang Ruru Madrid sa kanyang tabi ay very blooming pa rin si Gabbi. May kinalaman kaya ang kagandahan ngayon ni Gabbi sa nababalitang ugnayan nila ng Kapamilya actor/singer na si Khalil Ramos, ang unang leading man ni Kathryn Bernardo bago napunta kay Daniel Padilla?

“We do go out, we have common friends, but we don’t want to rush things, so hanggang doon na lang muna.”

“I’m living a balanced life po when it comes to personal life, my family, my career, so everything is really on its place.”

“I’m taking my time din po kasi I have a lot on my plate right now.”

“Basta I’m very happy. I’m very, very happy!” pagtatapos pa ni Gabbi.

Showbiz Slider Ticker “Let The Love Begin” “Pamilya Roces” “Sherlock Jr” Daniel Padilla Enrique Gil James Reid Kathryn Bernardo Khalil Ramos Nadine Lustre PINAS Ruru Madrid Wally Peralta

Regine, may sariling marka sa pagkanta

July 17, 2018 by Pinas News

 

Ni: Wally Peralta

AFTER maraming taong nakalipas nang maghost ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ng isang talent search show sa GMA-7, ang “Superstar Duets,” muling nagbabalik si Regine bilang host ng all original singing contest na “The Clash” na mapapanood every Saturday after “Pepito Manaloto” at Sunday naman after ng “Daig Kayo Ng Lola Ko”.

Ang isa sa labis na nagpapalapit sa kalooban ni Regine sa bago niyang proyekto sa GMA-7 ay ang mga contestant o tinatawag nilang “clashers,” 62 sila lahat na maglalaban-laban sa isa’t isa, at matira talaga ang matibay at pinakamagaling.

What makes Regine like the show and the contestants?

“Very interesting sa akin ‘yung mga istorya ng buhay nila, eh,” ang pambungad na say ni Regine.

“A lot of them, halos kapareho rin ng istorya ko na from a poor family, that’s why they want to help their families. That’s why they’re using their God-given talent. So, it’s very inspiring actually.”

Talo pag kinabahan

Hindi man nakilala ni Re­gine nang ganap ang mga contestants ng “The Clash” ay naging malapit naman siya sa halos 62 na clashers nang magsama na sila sa taping ng naturang talent show.

“Umikot ako para sa auditions, pero hindi ko talaga sila individually nakita, until nag-taping na kami. Tapos doon ko nakita ‘yung mga istorya nila, kung bakit sila sumali, kung ano ang motivation nila for joining.”

“I was pleasantly surprised sa batch na ito.”

“Parang ‘yung promising parang puwede pa i-improve, parang ganun ‘yung dating sa akin. ‘Yung maga-ling, maga­ling na talaga. So, very exci­ting.”

“Ang sinasabi ko sa kanila ay kailangan wag silang masyadong kabahan.”

“Kailangan they know how to fight yung niyerbos nila, kailangan ma-overcome nila iyon!”

“Otherwise, yung kaba ang maglalaglag sa kanila.”

“Obviously the contestants are all good, lahat yan may experience na sa pagkokontes. Kaya ang pagta-talunan na ay kung sino ang confident enough para di magbago ang kanyang boses dahil sa kaba.”

Walang next Regine Velasquez

Sa naturan ni Regine Velasquez na karamihan ang mga clashers ay halos kapareho ng kanyang buhay at sadyang gifted pagdating sa boses, may nakikitaan na kaya si Regine na pwedeng masabing susunod sa kanyang yapak bilang Asia’s Songbird?

“Hindi ako naniniwala na mayroong the next Regine or next Lani Misalucha.”

“Kasi ganun yun, kasi you make your own mark in the business. You don’t have to follow someone else’s marks!”

“Although you can, but you have to create your own mark in the industry.

“It’s better naman that way.”

“Ako noong nag-umpisa ako may nagsasabi sa akin, o ako mismo ang nagsasabi sa sarili ko na ‘kaw siguro ang susunod na si ganito o ganyan’ pero hanggang ngayon yung susundan ko raw ay andiyan pa rin, ha ha ha ha.”

 

Laban sa mister

At dahil weekends ang bagong show ni Regine sa Siete, may nakakapagsabing malaki ang chance na magiging katapat ng show niya ang show naman ng kanyang mister na si Ogie Alcasid sa Kapamilya Network?

“Twice a week makikita ang byuti namin nina Lani Misalucha, Ai Ai Delas Alas, at Joyce Pring, kasama na rin sina “Andre Paras at Christian Bautista.”

 “Sa dami kasi ng mga contestants, kailangan talaga twice a week.”

“At sa pagtatapat namin ni Ogie Alcasid na nasa kabila na, ha ha ha ha ha, hindi ko sure, hindi ko alam yung time slot nila.”

 “Talagang ganun kung magiging katapat namin yung show ni Ogie Alcasid,

“Eh, di ‘laban’”

Showbiz Slider Ticker Asia’s Songbird Daig Kayo Ng Lola Ko GMA-7 Pepito Manaloto Regine may sariling marka sa pagkanta Regine Velasquez The Clash Wally Peralta

Jackie Rice, wala na munang extra rice

June 19, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

MARAMI na talaga ang nakakapuna na habang tumatagal sa industriya ang Kapuso young actress na si Jackie Rice ay tila pagaling na nang pagaling siya pagdating sa acting. Sa latest teleserye niya sa GMA-7, ang “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” na pinagbibidahan ni Yasmien Kurdi na gumanap bilang isang inang may sakit na AIDS ay marami ang galit na galit sa karakter ni Jackie bilang pinaka-main kontrabida ng naturang serye.

Lately nga ay kapuna-puna na nagsimula siya sa lead role ngayon ay tila mga character roles na lang ang ginagawa ni Jackie, okey kaya ito para sa young sexy actress?

“Okay lang naman,” ang paunang sagot ni Jackie.

“Magandang career path ang pagiging character actress kasi you don’t have to worry na ikaw ang magdadala ng buong show.”

“And I guess, alam naman ng GMA kung saan ilalagay ang mga artista nila, so happy ako. Kasi, hindi ako nawawalan ng project nang matagal, eh.”

“May guestings din naman ako sa other drama shows na bida pa rin ako, mabait pa rin, pero mas enjoy na akong nagtataray. It’s nice to be able to shift to various kinds of roles. Next, gusto ko rin ng bida-kontrabida roles, for a change.”

Miss na ang kanyang ‘Bubble Gang’

Marami rin ang na-mimiss­ na kay Jackie sa kanyang come­dy show na “Bubble Gang” kung saan ay isa siya sa re­gular cast ng naturang programa. Tinanggal na ba si Jackie sa naturang show?

“Hindi po.”

“Dahil sa sobrang bigat ng role ko sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” pati nga dad ko ay hindi ko na nakakausap.”

“Ang hahaba ng lines ko rito, huh. Kaya pag wala akong taping, nasa bahay lang ako, studying the script at mine-memorize ang lines ko to make sure pag-report ko sa set the next day, handang-handa na ako.”

“Kaya naiilang ako kapag yung kaeksena ko, hindi alam ang script, so bago pa kami mag-take, I encourage them na mag-rehearse na kami para mas mabilis ang trabaho namin kasi laging 6 AM kapag natatapos ako sa taping.”

“Dahil sa pagfocus ko rito sa show nawalan rin ako ng time sa social life ko.”

“Ni hindi na nga ako nakakapag-guest sa ‘Bubble Gang’ kaya nami-miss ko nang mag-comedy. But happy ako na pinagkatiwalaan ako ng GMA ng ganitong kabigat na role. I take it now as a challenge para maitawid ko nang maayos.”

Keber sa bashers

Aminado rin si Jackie na sa sobrang ‘mean’ ng kanyang role sa teleserye nila ni Yasmien ay marami na raw siyang natatanggap na hates mula sa bashers. May mga over the belt pa nga raw na pambabash na ginagawa sa kanya. Ano naman kaya ang ginagawa ni Jackie sa mga bashers niyang sumosobra na?

“Naku, sorry na lang, wala akong pakialam sa bashers.”

“Hinahayaan ko lang silang magalit dahil hindi ako pumapatol sa kanila.”

“Kahit kung minsan, nasasaktan ako, lalo pag personal ang mga birada nila, dinededma ko na lang. Iniisip ko na lang na kung nagagalit man sila sa akin. It only means na nabibigyan ko ng justice ang role ko at very convincing ang acting ko.”

Bokya ang lovelife

Eh, Kamusta naman kaya ang kanyang lovelife. Matagal-tagal na rin naman nang maghiwalay sila ng landas ng kanyang non-showbiz boyfriend noon. Halos taon na rin siyang walang boyfriend?

“None. Ang tagal na.”

“May mga nanliligaw, pe­ro wala akong sinasagot, ka­si mas masaya ang buhay ko ngayon. ‘Yung last date ko, non-showbiz, hindi kami magkaintindihan as we’re not on the same wave length.”

“So hinihintay ko na lang kung sino ang ipapadala ni Lord sa akin. As of now, my attitude is aanhin ko naman ang love life kung lagi lang akong pinaiiyak?”

“My past relationships, pu­ro hindi nag-work, e. So I have to let go. I have yet to meet someone who I can feel na truly deserves me,” pagtatapos pa ni Jackie Rice.

Showbiz Slider Ticker Bokya ang lovelife Bubble Gang GMA-7 Hindi Ko Kayang Iwan Ka Jackie Rice Keber sa bashers PINAS Wally Peralta

Mark Herras, bongga ang career at lovelife

May 18, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

MARK Herras mukhang bawing-bawi ngayon taon ng itoy dumating sa kanyang showbiz career. Kung nitong mga nakaraang taon ay so-so lang ang takbo ng kanyang karir, panalo naman ngayong taon si Mark.

Sa unang quarter palang ay dala-dalawa kaagad ang ginawa niyang teleserye sa Kapuso Network. Habang pinapanood pa si Mark sa “Contessa” ni Glaiza de Castro, at karamihan ay mga eksenang ‘buhay’pa si Mark bilang mister ni Glaiza ay palabas na rin sa Primetime Telebabad naman ng GMA-7, ang “The Cure” nila ni Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Kung matatandaan ay halos 4 na taon na rin naman nang huling nagsama sila ng ka-loveteam at co-Starstruck 1 Ultimate winner na si Jennylyn, sa teleseryeng “Rhodora X”. Ano kaya ang pakiramdam ngayon ni Mark at muli silang magsasama ng dati rin niyang naging girlfriend?

“Excited akong makatrabaho si Jen,” bungad ni Mark.

“Lagi naman pag may bago kaming gagawin kahit hindi teleserye at guestings lang na magkasama kami ni Jen ay happy talaga ako.”

“Magaan kasi siyang katrabaho lalo pa ngayon may kakaiba akong karakter sa pagsasama naming muli, isa ako sa kontrabida, ha ha ha ha ha.”

First timer

Bago nga ito para sa mga tagahanga at supporters ni Mark, sanay sila sa kanilang idolo na laging inaapi o kaya ang good guy sa proyekto, kung bad man ay kaunti lang at angat pa rin ang good role ni Mark. Ngayon ay all throughout siyang kontrabida sa teleserye nila ni Jennylyn, ang “The Cure” ng GMA-7.

“Nakakatandang kapatid ako sa “The Cure” ni Arra San Agustin na over protective at gagawin ko ang lahat para mabantayan ko ang kapatid ko.”

“I requested for it, kung kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa GMA-7 sa pagbibigay sa akin ng opportunity at pinagkatiwalaan nila.”

 “Sa tingin ko nagawa ko naman ng maayos at sana magustuhan nila ang bago kong karakter at suportahan nila ang aming teleserye.”

“Parang bagong Mark Herras naman kasi ang mapapanood nila.”

“First time ko ito sa tele-serye, first time kong maging bad boy. Hindi lang sa dance floor kundi sa isang teleserye, ha ha ha ha ha!”

“Sobra akong nag-eenjoy and I’m embracing yung pagiging bad boy ko sa soap namin ni Jen.”

From lover to enemy

Bukod sa pagiging bago para kay Mark Herras ang maging all throughout kontrabida sa isang teleserye, ang isa pang ikakamangha ng mga followers niya ay ang ideyang magiging kontrabida siya ng dating ka-loveteam na si Jennylyn. Nakasanayan na ng mga followers nilang dalawa na silang magka-loveteam.

Simula palang ng Starstruck 1 ay pawang silang dalawa ang nagpapakilig sa tagahanga nila. Ngayon ay tila kakainisan na nila si Mark sa gagawin niya kay Jennylyn. Ano kaya ang masasabi ni Mark na sa unang kontrabida role niya ay si Jennylyn pa ang makakalaban niya?

 “Walang kaso sa akin na maging kontrabida kay Jen, kasi ang ganda-ganda naman ng karakter ko sa teleserye namin!”

 “That’s why, I’m doing my best para magampanan ko ng mabuti yung role ko dito sa teleserye namin nila Jen.”

 Missing the loveteam

Hindi naman kaya nami-miss na rin ni Mark na bigyan sila ng proyekto ng GMA-7 na magkaloveteam ni Jen?

“Hindi naman, okey lang.”

 “Ako naman kasi basta mabigyan lang ako ng project to do something nang maa-yos ay okey na ako doon.”

“Saka enjoy naman ako  na kasama ko si Jen. Working together before as loveteam ay nakaya na namin gawin. At napapakilig namin ang mga tao.”

“Ngayon naman ay bibigyan namin ang mga tao ng kakaibang samahan namin ni Jen.”

Spare Winwyn

Kung ano ang iginanda ng takbo ng karir ngayon ni Mark ay siya rin naman ang smooth sailing na relasyon nila ng girlfriend na si Winwyn Marquez.

Ano naman kaya ang masasabi ni Mark sa muling pagbuhay ng kanyang mga bashers sa iskandalong kinasangkutan niya ilang taon na rin naman ang nakalilipas?

“Dedma!”

“Hindi ko pa rin ini-entertain, siguro ang masasabi ko na lang sa mga bashers ko bahala sila.”

“Hindi na naman ako apektado sa mga pinaggagawa nila.”

“Basta ako ang pakiusap ko lang sa mga bashers ko wag nilang idamay ang girlfriend ko, wag nila bastosin si Winwyn!”

“Huwag na nilang idamay si Win, kasi wala naman siyang kinalaman sa mga bagay na yun, respect na lang to her.”

“Kaya ko kasi ang mga bashes nila, dedma lang ako at hindi ako narito para sagutin sila,” ang pagtatapos pa ni Mark.

 

Showbiz Slider Ticker “Contessa.” “The Cure” Glaiza de Castro GMA-7 Jennylyn Mercado Mark Herras PINAS Tom Rodriguez Wally Peralta

Jennylyn Mercado, goodbye muna sa drama

May 2, 2018 by Pinas News

Ni: Wally Peralta

SA dinami-daming ginawang teleserye ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, ay sa bago niyang soap opera na “The Cure” siya sobrang na-excite.

Halos karamihan kasi sa naturang teleserye na ito ni Jennylyn ay first para sa kanya. First time niyang sasabak sa isang action scene. Lately kasi pawang mga madrama at sexy roles ang kanyang ginagawa sa bakuran ng Kapuso Network. Pero sa “The Cure” hindi oobra ang kanyang pagpapasexy at pagiging drama actress dahilan sa halos maaksyon na eksena ang kanyang ginagawa.

First time din para kay Jennylyn na lumabas sa isang horror theme teleserye ganundin sa Philippine Television ang magkaroon ng teleserye na may kaugnayan sa mga zombies or walking deads.

“Kaya nga po nang ialok sa akin ang project, agad-agad kong sinunggaban, ha ha ha ha ha,” ang masayang bungad ni Jennylyn.

“Pangarap ko talagang makagawa ng isang maaksyong project. Heto super excited ang byuti ko nang magfirst taping day na kami, grabe.”

“Maaksyon kasi ito, tapos may halong thriller at walang masyadong drama. Ang sarap sa pakiramdam kasi, parang may kasamang work out habang nagta-taping ka.  Enjoy talaga”

Takot sa putok

Inamin din ng magaling na aktres na noong baguhan palang siya sa industriya ay takot na takot siyang gumawa ng action theme project lalong-lalo na yung may barilan at explosion effects. Siya raw kasi ang tipo ng taong pag nakakarinig ng malakas na pagsabog ay agad-agad sinusumpong ng takot.

“First time ko sa action, noong baguhan ako sa industry, ayoko po gumawa ng maaksyong project, ha ha ha ha.”

“Kasi sa totoo lang takot na takot ako sa putok, sa baril, sa mga sumasabog, ganun, ayoko talaga makarinig ng ganun kalakas na pagsabog!”

“Actually nga pag New Year’s Eve at putukan na ay nagtatago ako! Kasi ayoko nga ng putok at pasabog talaga.”

“Ang ginagawa ko ay naglalagay ako ng mga earclogs para kahit gaano kalakas ang pasabog o tunog ay hindi ako matatakot.”

“At hindi maapektuhan ang akting ko.”

Bakbakan training

Bukod sa mga pasabog effect, nabanggit din ni Jennylyn na kasama sa kanyang action pack teleserye ay ang mga fight scenes. Anong klaseng paghahanda naman ang ginawa ni Jennylyn para maging makatotohanan ang mga bakbakan na ginagawa niya lalo pa nga’t na-tag siya bilang isang sexy dramatic actress?

“Ang training ko sa fight scenes, ay bumalik ako sa training ko sa Jiu Jitsu Martial arts. Tuloy-tuloy na ulit iyon.”

“Actually noon pa naman talaga ako nagti-training ng Jiu Jitsu, almost 7 years na ang training ko diyan, binalik ko lang siya ulit para nga sa mga fight scenes ko.”

May engagement ring na

Samantala, isang kapansin-pansin kay Jen, ay ang suot-suot niyang isang singsing na napapalibutan ng diamonds. Maging sa kanyang mga social media post ay hagip na hagip ang suot niyang singsing at kasama rin sa mga photos na iyon ay ang boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Marami tuloy ang bumabati kay Jen na netizens, at maging mga kasamahan niya sa trabaho. Does it mean malapit na marinig ang wedding bells nila ni Dennis?

“Ewan ko ba, nagtataka nga rin ako, bakit nila ako kino-congratulate.”

“Nanalo ba ako ng award? Ha ha ha ha ha!”

“At palagi ngang nababanggit yung kasal, hindi ko po alam. Kasi, hindi pa po napapag-usapan namin iyon.”

“Hetong sinasabi nilang engagement ring na suot-suot ko ngayon, eh akin ito.”

“Di ba, pag engagement ring, parang isa lang ang bato o yung diamond? Isa lang siya. Ulo lang.”

“Akin ‘to, eh! Kayo naman! Hindi ako puwedeng bumili nito? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Bahala na ang tadhana

Dahilan na rin sa super in love sila sa isa’t isa ng kanyang boyfriend na kitang-kita naman sa mga larawan na magkasama silang dalawa, eh nasa planning stage na ba ang kasalan nila? Lalo pa nga’t hindi na rin naman sila bumabata? Kailan sila pakakasal ni Dennis?

“Hindi ko po alam. Hindi ko po alam.”

“Wala pa talaga! Promise!”

“Marami pa akong gustong gawin sa buhay. Marami pa akong gustong tahakin. Hindi ko po alam, e. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng kapalaran,” ang pagtatapos ni Jennylyn.

Showbiz Slider Ticker “The Cure” Dennis Trillo Jennylyn Mercado PINAS Wally Peralta

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 6
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.