JAMES LUIS
ITINUTURING ng mga boxing analysts si Pinoy Ring Icon Sen. Manny Pacquiao bilang kauna-unahan at natatanging boksingero sa kasaysayan na naging kampeon sa apat na magkakaibang dekada.
Sa pagpasok ng bagong dekada, nakuha ni Pacquiao ang WBA Welterweight title matapos maagaw ito sa mas batang si Keith Thurman noong Hulyo 2019.
Nagsimula si Pacquiao na maging Pro noong 1995 at nasungkit ang kanyang unang titulo sa edad na 19-anyos noong 1998 nang ma-knockout nito si WBC Flyweight Champion Chatchai Sasakul ng Thailand sa ikawalong round.
2001 nang madagit ng fighting senator ang IBF Super Bantamweight Title mula kay South African Champion Lehlohonolo Ledwaba, at nakasungkit din ng iba pang mga titulo sa iba’t ibang weight divisions sa naturang dekada.
Taong 2010, nang napasakamay ni Pacman ang WBC Junior Middleweight Title maging ang WBO at WBA welterweight titles.
Sa ngayon, pinag-uusapan na ng kampo ni Sen. Pacquiao kung sino ang susunod nitong kakalabanin sa ibabaw ng ring.
Kabilang dito si dating Two-Division World Champion Danny Garcia, at ang kanyang dating mahigpit na karibal na si Floyd Mayweather Jr.